Nagising si Maxine na hindi siya pamilyar sa lugar na nabungaran. Hindi naman ito ang bahay ni Lucas, at tanda niya ang kuwarto nito. Nang lingunin niya ang tabi niya ay nakita niyang nakatitig si Lucas sa kanya. Base sa kabuuan ng lugar ay nasa isa siyang ospital. At nang makita ni Lucas na nagmulat na siya ng mata ay mabilis itong napatayo. “Maxine, honey…Okay ka lang? May masakit ba sayo?” Nag-aalala nitong tanong agad sa kanya. First time niya itong nakitang takot na takot at parang may nangyaring masama sa kanya at hindi maipinta ang mukha sa pag-aalala. Umiling siya ng bahagya at saka niya sinubukan na tumayo. Pero nabigla siya ng parang lantang gulay siya na walang lakas para makagalaw ng maayos. Nagulat siya. Ano ba ang nangyari sa kanya kanina? At doon niya naalala na nahimatay

