Pagdating ni Maxine sa office nila ay hindi na naalis ang imahe ni Lucas sa isip niya.Hindi tuloy siya makapag concentrate sa dapat niyang gawin ng hapon na iyon. Bakit ba bigla na lang itong bumalik pagkatapos ng pitong taon? Kung kailan maayos na ang buhay niya, lalo na ang isip niya, at tuluyan na niyang nakalimutan ang nakaraan nila. Ganoon na lang ang kuwestiyon niya sa sarili ng dahil sa mga titig nito sa kanya ay parang mas natakot pa siya na makaharap ito? Kala ba niya ay okay na ang lahat sa kanya pero sa isang iglap ay nabago ang takbo ng isip niya agad- agad? Bakit kailangan niyang maapektuhan sa pagbabalik nito gayon dapat ay wala na sa sistema niya ang anomang mayroon sila sa tagal ng panahon na lumipas? Ang mas lalo pang gumulo sa kanya ay ang inakto nito. Para ito pa ang g

