Nagpatuloy ang pagpapadala ng mga kung ano-anong pagkain ni Lucas sa office nila simula ng tanggapin niya ang una nitong binigay sa kanya. He even texted her regularly na parang natural lang nitong ginagawa sa kanya dati pa. Medyo dumalang nga lang niya itong nakikita dahil busy daw ito sa expansion ng Hotel Montalvo at sa binabalak nitong pagtatayo ng isang branch sa London kaya hindi na siya nagtataka kung bakit dumalang ang pagdalaw nito sa kanya. Hindi nga niya maintindihan ang sarili kung bakit kailangan niyang malungkot na hindi niya ito nakikita o nakakasama ng madalas, samantalang sa nakalipas na pitong taon ay nalampasan niya ang kalungkutan na hindi ito nakita. She’s longing for his scent, voice and the way he gives her looks na parang nakakapatid ng hininga… Damned this fe

