Col’s POV Masama akong nakatingin kay Frances pag lapag ko palang ng chocolate drink nya sa lamesa tapos kape naman yung sakin. Nginitian nya ako ng matamis tapos umubo ubo pa ng peke bago tumingin sa labas. “Col ,ang ganda dito sa bahay nyo na ‘to hehe.” Tapos saglit nya akong tinignan sabay tingin sa mug nya. Binaba nya yun at nagpout na. “Sorry na nga kasi.” Sabihan daw ba ako ng.. “Col! Kahit mahal kita hindi ko sasakyan yang kabaliwan mo na matulog dito sa libingan ng angkan nyo. Kung magpacheck up ka muna kaya?” Tingin nya talaga dun kami sa mga gravestone matutulog? The heck. “Hindi mo naman kasi sinabing may bahay pala sa likod ng mga puno eh. May garden pa tapos may backyard, napapalibutan ng bakod ang buong lugar tapos ang ganda pa ng bahay na kahoy nyo dito hehe.” Habang s

