Chapter 2

1510 Words
1 YEAR AGO Frances POV “Miss Clark! Oh my gosh! Pumasa ka naman sa summer class ni Miss Carol. Pero bakit naibagsak mo naman ang trigo ko?” stress na pagkakasabi ni Miss Beth habang tinitignan ang exam paper ko. Galing noh? Ako lang may talent nyan! Ang ibagsak ang sarili ko paulit ulit kada taon.. hay. Nakayuko lang ako the entire time na sinermunan ako ni Miss. Its been a year since that news pero hanggang ngayon di ko pa din nakikilala ang step mom ko. Isang taon ang lumipas ni-picture, ni-phone call, ni-text message o kahit pag bisita sa bahay ay di nya magawa! Anong klaseng babae ba yon?! News Report: Reporter 1: Ang isa sa pinakamatagumpay na businessman dito sa ating bansa ay ikinasal sa isang pribadong lugar nung nakaraang araw lamang! Reporter 2: Tama ka dyan partner! Ayon sa source natin ay ikinasal ang hanggang ngayon na namamayagpag at kilalang kilala na businessman na si France Clark sa isang napakagandang babae na ang edad ay nasa 20’s lamang. Reporter 1: Bagamat hindi pa maconfirm ng ating source kung sino ang nasabing napakagandang babae ay sinasabing galing din daw sya sa isang mayaman na pamilya. Ang lakas talaga ni Sir France Clark! Reporter 2: Isa pang tama yan partner! Kung wala lang akong asawa ay malamang ay nagustuhan ko na din si Sir France dahil sa akin nitong kabutihan. Reporter 1: Totoo ba yan partner? Reporter 2: Biro lamang partner! Wag po kayong hihinto sa pagsubaybay at maya maya lamang po ay ibabalita namin ng buo ang nasabing pribadong kasal –   Habang sukbit ko ang aking bag papunta sa parking lot ay talaga namang tandang tanda ko pa ang eksena matapos kong marinig ang balitang iyon.   Pumasok ako sa private room ni daddy dito sa aming mansion at buong lakas na itinulak ang malaking pinto. Nagulat si daddy at inilapag muna ang kanyang mga hawak na papel at hinarap ako. “Kamusta ang aking Quinn? Di mo – “ “Daddy please stop po. Is it true? Kinasal ka sa isang magandang babae na one fourth lang ng edad mo?! Balitang balita sa t.v. daddy!” sigaw ko kay daddy sabay bagsak ng gamit ko. Nagulat sya pero agad ding napailing. “My Quinn, one third lang hindi pa naman eighty five years old si daddy.” Sinubukan kong i-compute sa utak ko ang pinagkaiba ng one third at one fourth pero ng mapansin kong babalik na si daddy sa upuan nya ay di ko na inabala pa ang sarili ko. “Malapit na yun daddy! Wag nyo po akong paglihiman please.” Malungkot na sabi ko. Ngumiti naman si daddy at niyaya ako sa couch at agad kaming naupo don. Hinaplos nya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko. “My Quinn, hindi nagsisikreto si daddy eh. Sasabihin ko sana ngayon iyon sayo. Nagulat nga ako ng sinabi mong ibinalita iyon sa t.v. eh.” “Talaga po?” paninigurado ko na agad namang ikinatango ni daddy. “Daddy, di mo na ba love si mommy? Bakit may kabit ka?” “My Quinn!” sigaw ni daddy at agad napatayo, nagulat ako at akmang tatakbo pero tumawa sya na ikinakunot ng noo ko. “My Quinn, walang kabit si daddy okay? Kakakasal lang namin at byudo – “ “It doesn’t change the fact that you already tie knots with mommy! Even though she’s no longer here, she’s still my mommy! Ayoko sa kabit mo daddy!” sigaw ko at agad na tumakbo palabas ng kwarto.   Isang linggo kaming di nag-usap ni daddy noon dahil sobrang sama ng loob ko na nagpakasal sya ulit. Sabi nya, kay mommy at kay mommy lang sya magpapakasal at wala ng iba pa. Now that he’s already married ay sobrang nagtampo ako. Dahil unang una sa lahat, hindi sya nagsabi sakin, pangalawa, sa news ko pa nalaman at pangatlo ay di nya natupad ang pangako nya kay mommy na wala na syang ibang mamahalin. But now he’s married! Even though sobrang tampo ako kay daddy ay I always make sure that he’s taking all his medicine. But unexpected events do happen. Habang pinapanood ko syang magtrabaho ay may tumawag sa kanya. Nung una ay nakangiti pa si daddy pero habang tumatagal ay nakikita ko ng nagagalit sya then afterwards ay bumagsak sya na hawak ang kanyang dibdib. I tried to answer the call pero nakababa na. Dinala agad si daddy sa hospital at sa buong taon na to ay hindi ko na mabilang bilang kung ilang beses na syang labas masok sa hospital at kung ilang beses na akong dumalaw. Kumatok ako sa puting pinto at nakita kong nakaupo si daddy habang kumakain ng.. ramen?! “Daddy diba sabi ng – “ naputol ang sasabihin ko ng magsalita sya. “Oo na oo na my Quinn. Pero daddy can’t help it lalo ka kung nararamdaman kong malapit na akong umalis.” Sabi ni daddy habang nakatingin sa likod ko. Sumimangot ako at sinamaan sya ng tingin. “Daddy, I don’t like your jokes.” Tumawa naman sya ng alanganin at ngumunguso pa. “I’m sorry my Quinn pero gusto ko lang – “ I cut him off. “Bakit ba panay kayo tingin sa likod ko? Wala naman po ako don ah?” “Ano.. kasi.. my Quinn.” “Ahh! Tama nakalimutan ko palang isara ang pinto. Wait daddy.” “Wait my – “ Naputol ang sasabihin ni daddy ng sumara ng malakas ang pintuan, lumingon ako don at nagtatakang tumingin kay daddy. “Daddy.. don’t tell me.. you have a ghost friend?!” takot na pagkakasabi ko at sumiksik kay daddy. “What?! Syempre wala ano ka ba my Quinn.” Tawa tawang sabi nya. “Eh bakit nagclose yung door?” nagtatakhang tanong ko at umalis na sa pagyakap kay daddy. “Kasi anak..” “Kasi po?” “Humangin ng malakas. See? Kaya bumagsak bigla ang pintuan!” tuwang tuwang sabi ni daddy at tumuro pa sa bintana. “Bukas po ba yan kanina?” “Oo bukas yan. Wag na maraming tanong anak. Anong dala mo?” nakangiting tanong ni daddy kaya agad kong pinakita sa kanya ang laman ng supot na dala ko. “Healthy foods po para lumakas kayo!” /// “Happy new year!” malakas na sigaw ko sabay pasabog ng confetti at nagtatatalon pa. “Happy new year din my Quinn.” Nakangiting sabi ni daddy habang nakahiga sa kanyang kama. Guess what? Andito pa din kami sa hospital dahil hindi hinayaang umuwi si daddy pero pinayagan naman kaming maghanda dito. “Anong handa natin my Quinn?” nakangiting tanong ni daddy at umupo kaya inalalayan ko sya. Tinuro ko ang hindi kalakihiang mesa na puro kulay green ang handa which means, healthy foods! Napasapo si daddy sa noo nya ng makita nya ang mga handa na pinaluto ko sa bahay. “My Quinn diba ang sabi ko – “ I cut him off and kiss his forehead. “Please po, yan na lang po kainin nyo kasi gusto ko pa po kayo makasama ng matagal.” Sabi ko at sumiksik sa leeg ni daddy. At kahit anong pilit kong pigilan ang luha ko ay di ko maiwasang lumabas ito. Nung huling bisita ko ay okay pa sya, pero as the time goes by ay naaabutan ko na lang syang nakahiga tapos minsan uupo pero madalas nakahiga at puro weak smiles na ang binibigay nya sakin. “Ako din naman my Quinn Frances.” Mahinang sabi ni daddy habang hawak ang likod ng ulo ko at hinahaplos ang likod ko habang naiyak pa din ako sa balikat nya. “Alam mo ba, kung pwedeng pwede lang ipambili lahat ng naipon ko ng karagdagan buhay para lang makasama ka ay gagawin ko. Pero hindi ito ang..” “God’s will.” Mahinang dugtong ko. “Good girl. Always remember that everything happens for a reason. Even though my physical appearance won’t be here anymore, always remember that I’m always in your heart.” Sabay singhot ni daddy. Tumango naman ako dahan dahan. “Basta wag mong kakalimutan na ang lahat ng ginagawa ni daddy ay para sayo ha? Para sayo lang my Quinn.” “Yes of course po.” Nakangiting sabi ko at ngumiti naman sya. “Oh by the way, kapag tumira na ang stepmom mo sa bahay ay habaan mo ang pasensya mo sa kanya okay?” Napasimangot ako dahil sa sinabi nya. “Bakit kailangan minemention mo pa po ang kabit mo sa masayang gabi na to?” “Anak Im just giving you warnings and – “ “Shhh! Shhh! Hep! Kain na tayo yehey.” Sigaw ko na lang at nagsandok. “Stubborn my Quinn.” Bakit ba? Sana nga hindi na magpakita ang babaeng un eh! Ayoko kaya syang makita tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD