Frances POV “Long time – “ napahinto yung babae sa pagsasalita ng pumagitna na ako sa kanila at tinaasan ko pa sya ng kilay. “Excuse me? Pero sino ka nga?” masungit na pagkakatanong ko. “Frances.” Bulong sakin ni Col sabay hawak pa sa braso ko pero inalis ko yung kamay nya. “Michelle Wang.” Sumagot sya na may alanganing ngiti at ikina-ikot naman yun ng mata ko. “Alam ko, narinig ko nga diba? Ang ibig kong sabihin, bakit babe ang tawag mo kay Col?” huminto ako sa pagsasalita tapos tinuro ko pa ang nananahimik sa likuran ko na si Colleen MacGrath. Magsasalita na sana sya pero sinenyasan ko sya na tumigil at ginawa naman nya. “Hindi mo ba alam na.. sakin sya? Wag mo nga syang tinatawag na babe!” sigaw ko pa dahil sa inis ko. “Hahaha!” ganyan ba dapat yung reaction sa taong nagburst out?

