Frances POV Bakit parang hindi mapakali si Col? Parang kabado pa sya kapag tumitingin dito sa pwesto ko? Hmm.. tingin ko talaga front nya lang yung pagiging masungit eh! Pero habang tumatagal more on nahihiya na sya kapag kasama nya ako kesa sa nagsusungit sya. Ganon ba talaga sya kapag nagkakagusto? Ang cute naman kung ganon hihihi! Napatingin nanaman sya sakin pero mas pinili kong tignan lang sya pati na din kung ano yung ginagawa nya. Ganito kaya yung ginagawa nya kapag gabi na kaya ayaw nyang magtabi kami? “Col, nandito na lahat yung files. Kaya mo bang i-hack yang system ng cameras?” tanong ni tita sa kanya tapos tumango muna sya bago sumagot. “Yup, kailangan mo lang maisaksak yang kulay asul na USB sa main computer ng control room. Ako ng bahala don.” “Okay got it.” Sabi pa n

