"THANK you for bringing me in Greece..." wika ni Addy kay Xander nang makasakay na sila ng eroplano. Pabalik na sila ng Pilipinas. Humilig siya sa dibdib nito. Tumingin sa kanya si Xander. "Ako ang dapat magpasalamat sa 'yo, Addy. You helped me let go of the past," "That's the right thing to do. Ginawa ko lang naman ang tama. And that's not much of a big deal for me..." "But it is for me," Huminga nang malalim si Xander. "Gumaan ang pakiramdam ko," "Hmmm... Kahit hanggang pagdalaw na lang ang magagawa mo?" "It still matters. I hated him. I disgusted him..." Tumiim ang bagang ni Xander. "Hindi madali para sa akin ang nangyari. Pero ginawa ko..." Tumango si Addy. Tama si Xander. Masaya naman siya sa ginawa na effort nito. Nalulungkot nga lang siya na wala ng paraan pa para mabago ang m

