NAPABALIKWAS si Sabina ng pagbangon sa kanyang kama. Hinahabol niya ang hininga at nanlalaki ang mata niya. Inilibot-libot rin niya iyon sa paligid para masigurado na hindi totoo ang nangyari noong natutulog siya. Kinapa-kapa rin niya ang sarili. Nakadamit siya. Nakahinga siya nang maluwag nang makumbinsi ang sarili na panaginip lang ang lahat...kagaya ng nangyayari sa kanya sa mga nakalipas na araw. Nahilamos ni Sabina ang kamay sa mukha. Ano bang nangyayari sa kanya at nitong nakalipas ay parang pare-pareho ang kanyang panaginip? Lahat ng iyon ay character siya at ang ex-boyfriend na si Grimson. Sapat na ang presensiya ni Grimson para katakutan niya ang napapaginipan. Hindi naging maganda ang relasyon nila ng kauna-unahang lalaking minahal. Iniwan siya nito. Tama lang naman na masaktan

