TATLONG buwan pagkatapos ma-approved ng unang manuscript ni Sabina ay lumabas na iyon sa mga bookstores. Naging maganda ang benta at nagsunod-sunod ang release ng libro nito. Nagkaroon si Sabina ng mga bagong kaibigan at readers rin. Overwhelmed sa saya ang girlfriend. Dream come true para rito ang lahat. Bilang boyfriend, masaya si Grimson sa tagumpay ni Sabina. Kapag masaya ito ay masaya rin siya. Pero nagbago ang lahat nang simulan niyang usisain talaga si Sabina sa ginagawa nito. Sinubukan niyang basahin ang mga sinusulat nito na na-publish. Maganda naman ang mga iyon pero ikinabahala niya. Pamilyar kasi sa kanya ang mga eksena. Lahat ng mga iyon ay mga bagay na naggawa niya para sa babae! Pinalampas ni Grimson ang una. Pero nang mapansin niya na parang palagi na lang niyang nakikita

