GUSTONG idaan ni Grimson ang lahat ng samang nararamdaman sa pamamagitan ng tulog. Ayon sa pag-aaral, nakakatulong raw ang tulog kapag masama ang loob ng tao. Pero pati ang tulog ay parang masama rin ang loob sa kanya. Ilang araw na nga siya na sleep deprived dahil sa pagpipigil na ilapit ang sarili kay Sabina. Kailangan na kailangan niya noon pero iniiwasan siya. Mahigit dalawang oras na nang makauwi sila Grimson at Sabina sa unit niya. Tahimik lang silang dalawa, lalo na si Sabina. Nakokonsensya tuloy siya. Feeling kasi niya ay tinatago lang ni Sabina ang sakit. Hindi ito nagpapaliwanag sa kanya, at siya naman ay minabuti na huwag ng magtanong. Mas lalo lang siyang mahihirapan dahil alam naman niya na siya ang pinaka may kasalanan. Mahahalatang nasasaktan si Sabina sa pagbabalewala niya

