Nasapo ko ang ulo ko pagkamulat ko ng mga mata ko. "Damn, hangover hindi na talaga ko iinom." Agad ko namang kinapa ang cellphone ko sa side table. Pero tangina bakit wala yung sidetable ko.
Napabalikwas naman ako ng higa at agad inilibot ang tingin sa buong silid. "Gago, na saan ako?" Wag mo sabihing may naguwing lalaki sakin? Oh my God, tinignan ko ang suot ko at naka oversized t-shirt nako pero pangloob ko parin ay yung bikini kagabi.
Binuksan ko ang pinto dahil nakarinig ako ng ingay mula sa labas pagkasilip ko ay hagdan ang bumungad sakin. Mukang galing sa baba ang ingay. s**t gusto ko ng stawberry and milk, mabuting tao ba 'tong nag‐uwi sa'kin.
Pagkababa ko ay bumungad sa akin yung mga lalaki kagabi tsaka sila Laraine, Mona and Sam na nakaupo sa sala. Nilagpasan ko lang sila roon at tumungo sa kusina, andito narin naman ako kakapalan ko na ang muka ko.
--
NAPATINGIN kami kay Nics ng dumiretso lang siya, naglalakad na parang 'di kami nakikita. Agad naman kami nagtinginan at tsaka tumayo para sundan siya, nangunguna pa si Vince sa amin.
Nakita namin si Vince na nakatayo lang sa pinto ng Kitchen na intriga naman ako kahit medyo may hula na ako sa ginagawa niya.
And, damn tama nga she's eating stawberry again. "Putcha Vincent buti may strawberry kayo." parang nabunutan naman ng tinik si Laraine sa nakita niya. kahit ako nakahinga ng maluwag, e.
Nagulat kami ng tumikhim si Vince, kaya napatingin samin si Nics na nakakunot ang noo.
--
NAPALINGON ako sa pinto ng kusina nang may tumikhim. Nakita ko sila Mona na kasama yung boys na mukang kanina pa ako pinanonood.
Tinaas ko ang isa kong kilay don sa may titig na titig sa akin bago ko magsalita.
"Thanks sa strawberry kung kanino man 'to, by the way asan tayo?" habang kumakain parin ng matamis nilang strawberry.
Si Mona ang sumagot sa 'kin "Kala Vince." kumunot naman ang noo ko, nahalata niya siguro ang reaksyon ko kaya tinuro niya yung lalaking nakatitig sa akin kanina. Tinignan ko naman ito mulo ulo hangang paa. Oh siya yung nakaiwan ng phone sa table namin.
"Ah ikaw yung nakaiwan ng phone sa table." Tumango naman siya. "Thank you sa pag stay, I need to go Mona." d
Pagdugtong sa sinabi.
"H-huh why?" Tanong ni Mona na nagtataka pa.
"Mapapatay ako ni daddy pag hindi ako umuwi, asa'n yung gamit ko?" Tinuro niya naman yung isang table nakita ko roon yung bag ko tinignan ko naman yung loob at nandon yung phone and car key ko.
"Hindi ako sasabay Nics dito muna ko." sabi naman ni Laraine sa akin mukang maglalandian pa sila dito katulad kagabi. s**t baka may nagawa na naman akong kahihiyan kagabi.
"Kung may nagawa man akong kahihiyan kagabi kalimutan nyo na, alis na ako." Bago pa ako makalabas nag lock kusa ang pinto.
"Palitan mo yang damit mo." Sabi nung may ari nung bahay na to, agad naman natigilan sa pag uusap ang mga kasama namin at napatingin din ako sa soot ko. Oh t-shirt niya ata 'to, agad ko namang hinubad at inabot sa kanya. Kita ko ang kalituhan sa reaksyon niya at pagkadilim ng tingin sa katawan ko, ha? Ano bang problema?
"What the hell woman? I said wear a short, naka bikini ka lang lalabas ka ng bahay na to?!" Sigaw niya kaya mas nalito ako at napalayo sa kanya.
"W-why are you shouting at m-me?" Garalgal na tanong ko sa kanya kita ko naman ang pag amo ng kanyang reakyon, hindi ko pa ginagamit ang charm ko niyan ha.
"s**t, hey I'm not I was just saying." What the freak he's using soft voice bakit ang cute niy-what the, no way.
Rinig ko ang pag ubo ng mga kasama namin kaya natauhan ata siya at bumalik na naman ang madilim na ekspresyon niya agad kong dinampot ang paper bag na laman ay damit ko at nagtungo sa kusina dahil may nakita akong CR doon. Agad kong kinuha ang skirt at sinoot muli ang t-shirt dahil wala lang gusto ko lang mabango e.
Pagkalabas ko agad kong tinungo ang daan palabas at nagpaalam sa kanila papasok palang ako ng elevetor ng may kasunod na ako. f**k bakit pa siya sumunod.
"Ihahatid na kita sa parking." Tango lang ang sinagot ko sa kanya at chineck ang phone ko ganon nalang panglalaki ng mata ko ng tadtad ako ng messege ng pamilya ko, oh no lagot ako.
5 messege from kuya ali
3 messege from mommy
1 messege from daddy
Nakahinga ako ng maluwag ng isa lang ang mensaheng pinadala ni Dad. Binuksan ko at binasa ang mga mensaheng pinadala sa akin nila Kuya at Mom.
From: kuya ali
Where are you, Natasha?
From: kuya ali
WHAT THE HELL?! NASA CLUB KA NA NAMAN?!
From: kuya ali
GO HOME NATASHA NICOLE VALDEZ!
From: kuya ali
Yari ka sa 'kin Natasha hindi ako natutuwa sa pinagpo-post mo.
From: kuya ali
Hey, i'm getting worried!
Oh shookt lagot na naman ako. napapadyak naman ako sa sahig kaya napatingin sakin si Vince ba to. Binigyan ko lang siya ng bored look.
From: mommy
Baby, you will go home ba? I will cook your fav food anak.
From: mommy
Anak, i see your post. ang sexy ng baby ko mana kay mommy.
From: mommy
Baby, your daddy is mad.
Oh patay lagot natawag ko na ata lahat ng santo sa isip ko bago ko pa ma open ang messege ni daddy tumunog na ang elevator hudyat na bubukas na ito, agad akong lumabas nakasunod lang si Vince. huminto muna ako kasi hindi ko naman alam kung saan naka park ang kotse ko.
"Saan na ka park?" Tanong ko sa kanya naglakad lang siya kaya sinundan ko nalang.
Nang makita ko ang sasakyan agad kong pinindot ang key para bumukas, tumingin muna ko kay Vince at tsaka nagsalita "Thank you again, vince." tsaka ngumiti ng malapad sa kanya.
Sumakay na ako sa sasakyan at inopen ang waze para malaman ko ang daan pauwi inatras ko na ang sasakyan pero nandon parin si Vince na natuleley na ata sa sinabi ko, I was just saying thank you lang naman.
Pagkarating ko sa gate ay agad akong pinagbuksan ng guard dito, s**t ito na ata ang kamatayan ko.
Agad kong pinark ang sasakyan at kinuha ang gamit ko bago pumasok sa loob.
"Mommy, daddy." Sigaw ko ng makapasok ako sa pinto nakita ko naman na tumatakbo si Mommy galing kusina.
Narinig ko rin ang takbo galing sa hagdan "NATASHA NICOLE!" Okay umpisahan ang unang sermon.
Ngumiti ako sa kanya ng magkasalubong ang mata namin. "H-hi k-kuya hehe." tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Explain, Natasha." Kuya said.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot nakita ko pa na bumalik si Mommy sa kusina at iniwan ako rito kay Kuya. "I was at the club kasi last night, my friends were with me ahm." Napalunok ako ng kumukunot na ang noo ni Kuya s**t lagot talaga ko.
"Friends?" I nod "Boys?"
"What the f-earth how did you know?" Nakita ko naman ang pag ngisi niya
"I saw in Laraine post, a man was even holding your waist." What the hell may post? anong lalaki? gago.
"Ano yon wala yon joke lang yon katuwaan hehe." Akmang hahampasin niya 'ko ng tumakbo ako kay Mommy.
"M-mommy inaaway ako ni kuya" The paawa effect.
"I promise Kuya I don't have a boyfriend...yet, just a lot of manliligaw nga lang." Tinanguan niya lang ako. Teka ngayon ko lang napagtantong naka follow siya kay Laraine samantalang ako hindi pero lagi niya namang binibisita feed ko.
Tinulungan ko nalang magluto si Mommy kahit mauubos ko na yung keso. si Kuya nakaupo lang sa table at dinadaldal kami ni Mommy, tinanong niya lang kung kamusta acads ko. Mag la-law sana ko kaso napagusapan namin nila Daddy na si Kuya nalang ang mag law at ako nalang para sa business namin.
Habang naghahain kami ng pananghalian may narinig na kami ng tunog ng sasakyan sa labas, oh geez another sermon. Nabasa ko palang yung messege ni daddy sa akin kanina maiiyak na ko, e.
From: daddy
You brat. what did you post, why is that? people even called you sexy, sexy ka naman talaga anak. and what did your brother show me? do you already have a boyfriend?
Isang messege pero siya ang may pinakamahaba ang messege sa akin.
Pumunta ako agad sa pinto para salubungin ang aking butihing Ama. "Hi Daddy, good aftie. I miss you po." At yumakap sa kanya, kailangan niyang makalimutan ang panenermon niya sa akin.
Nang nasa hapag na kami at magsisimulang kumain bigla nalang nagsalita si Daddy "Baby, do you already have a boyfriend na ba?" para naman akong nasamid sa sarili kong laway. tinignan ko nalang si Kuya ng masama at tumingin kay Daddy.
"Ahm wala pa po Daddy, I don't need a man Daddy. sapat na kayo ni Kuya ali." Sinabayan ko ito ng ngiti para naman ma convice sila.
"Kung magkakaron ka man pakilala mo kay Daddy, nangmakilatis anak." Ngumiti ito sa akin, akmang susubo na ko ng magtanong na naman si Daddy. "Anong meron sa inyo ni Mr. Garcia?" huh Garcia?
"Sinong Garcia, Daddy?" Takang takang tanong ko.
"Si Vincent Garcia, yung kasama mo sa picture, anak." Ah Garcia pala siya.
"We're not close po, hindi ko din po siya friend. pero nasa same circle po sila ni Mona." Tumango tango lang si Daddy.
Pagtapos naming mag lunch. Umakyat na ako sa kwarto para mag ready papuntang church. Nakasanayan na naming laging mag church tuwing sunday parang family day nadin namin to. Ayaw ni mommy na hindi kami nakikita ng isang linggo dahil namimiss niya daw kami ni Kuya. May sarili na kasi kaming condo na malapit sa university na pinapasukan namin. Si Kuya ay sa Ateneo at ako naman ay sa UST dream school e.
Pagtapos kong maligo namili lang ako ng dress na color pink, cardigan and sneaker hindi na ako magdadala ng bag. Phone and wallet lang ang kailangan ko dahil sure akong si Kuya or Daddy ang mag dri-drive mamaya.
Bumaba na ako dahil naghihintay na sila mommy sa sasakyan. Konting byahe lang naman ang mangyayari dahil malapit lang sa bahay ang Church. Pagdating namin doon bumati muna kami sa mga kakilala.
Pagkatapos ng misa ay dumiretso kami sa tagaytay. Sa MOA lang talaga kami, nakakita raw kasi si Kuya ng cafe don, e mahilig sila Daddy sa coffee tapos ako naman ay sa bread or cake. Nakita ko din sa page ng cafe na merong strawberry cheesecake so okay na rin.
Pagkarating namin sa cafe dumiretso ako sa powder room. Pagkalabas ko napadaan ako sa mga cake na naka display don agad kong hinanap sila Daddy nakita kong may kausap sila roon, ang pinuntahan ko ay si Kuya hindi ko napansin kung sino ang kausap nila basta nalang akong bumulong kay Kuya na samahan ako at tumango naman siya bago sumenyas kay Daddy.
"Kuya, where is your camera ba." Tanong ko sa kanya.
"In the car." My kuya is grumpy.
"Kuya did you know na parang ang sarap ng cake nila Kuya. will you buy me ba? pretty please." Tango tango lang ang sinagot niya sa akin.
"Are you galit ba?" Kumunot na ang noo ko because kuya is quiet.
"No." Oh he's mad nga.
"Let's go back na nga lang." Iniwan ko na siya doon, I'll use nalang my phone for taking pictures. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Daddy nung ako lang mag isa ang bumalik sa table nakatalikod ang mga kausap nila sa akin kaya hindi ko makita kung sino. Wait akala ko ba is fam day today?
"Asan ang Kuya mo." Tanong si Daddy.
"Out side po." I answered.
"By the way, kumpare. this is my Unica hija Natasha Nicole." Humarap naman ako don sa kausap ni Daddy at Mommy nanlaki ang mata ko ng makita kong nandon din si Vincent, anak ng kaya siguro galit si kuya.
Ngumiti naman ako don sa kasama ni vincent at siya naman at tinapunan ko lang ng tingin bago bumati sa kausap ni Daddy "Ahm hi po."
"Napaka gandang bata manang mana kay Nicholla, kasama ka don sa inuwi ng anak ko sa condo diba?" Napangiwi naman ako sa sinabi ng nanay ata ni Vincent. Tinignan ko si Daddy na nakakunot ang noo sa akin. nakarinig naman ako ng isang malutong na mura sa likod ko, hehe lagot.
"Ah hehe salamat po pala sa pagpapatuloy." Ngumiti nalang ako sa kanila tsaka tumabi kay Kuya.
"Kuya I promise its nothing, natulog lang ako kuya." Mas tumalim naman ang tingin niya sa akin. Kaya napayuko nalang ako. nangdumating ang order namin at nagsimula na kong kumain. Naguusap lang sila tungkol sa cases and business.
"Nicole, ikaw ba'y may nobyo na." Rinig ko ang pag ubo ni Daddy ay Kuya.
"Ah I d-don't have po Mr. Garcia." Napalunok pa ako ng magtama ang tingin namin ni Vincent ako din naman ang unang umiwas.
"Just call us tito and tita, see son she don't have a boyfriend." Nakita ko ang pagtigil ni Kuya sa pag kain kaya humawak ako sa braso niya dahil baka masapak niya tong tatay ni Vincent mahirap na.