Malandi
"Bago ah? Saan ka nakapulot niyan at bakit hindi mo sinauli?" Pang aasar sa'kin ng isa naming kagrupo sa presentation. Nasa gazebo kami at dinidiscuss namin ang parte ng bawat members. Pero nakakainis sila at inaasar nila ako sa pamamagitan nang pagsabi sa'kin ng 'magnanakaw'.
Hindi ko nalang sila pinapansin dahil seryosong nagsasalita yung group leader namin. Kahit na gustong-gusto ko na umalis. Wala kasing nakikinig sa kaniya kaya naaawa ako. Nasasayang lang yung effort niya dahil sa mga pasaway na kagrupo namin.
"Okay na yung powerpoint. Thank you so much Ayara." Masaya niyang sambit. "John, Mark and Luna. Gawin niyo naman yung parte niyo. Nakikinig ba kayo? Sabi niyo nahihirapan kayo sa topic natin kaya pinakiusapan niyo akong mag discuss dito pero wala kayong ginawa kundi asarin si Ayara na dahilan sa pagpasa niyo ngayon." Galit niyang aniya pero kalmado pa rin. Walang ginawa 'yung apat kundi magbaba ng tingin dahil sa hiya.
"Bakit kasi 'yan pa yung pinili nating topic? Marami namang common and basic?" Pagdadahilan ni Luna. Magaling siya pero biglang lumiko yung buhay niya dahil naadik sa alak at party drugs na kinasangkutan niya last year kaya napilitan siyang mag stop buti na lang ay nakalabas din dahil sa pamilya niya. Hindi na kagaya ng dati yung grade na nakukuha niya. Hindi na siya kasali sa dean's list.
"Ayaw niyo ba ng mataas na grade?"
"Gusto." Sabay sabay nilang sagot.
"Edi ito lang ang solusyon. 'wag na kayong magreklamo kayo na lang mag explain o magbasa tapos kami yung sasagot sa question ng prof natin and the other students."
"Sigurado ka ba diyan?" Tanong ni John at tumango lang si Hayes—ang group leader namin.
"Hayes p'wede na ba akong umalis? May part-time job pa kasi ako eh."
"Sige okay lang email na lang kita pag may nagbago tutal tapos mo na yung parte mo." Ngumiti ako sa kaniya at dumiretso sa mga food stall sa labas ng campus.
Nakita ko si Glen na bumibili ng waffles kaya nilapitan ko siya para magpasalamat. Hindi kasi kami masyado nagkikita sa boarding house eh. Hindi ko pa siya napapasalamatan. Pag kasama ko kasi si Mickaela tili nang tili na para bang may gusto ako kay Glen. Buti na lang maaga siyang umuwi dahil may part time job din siya. Pareho kami ng pinapasukan na convenience store. Pag gabi kasi ay may part time job ako sa isang bar bilang taga bigay ng orders pero siya ay 'di sumasama dahil ayaw niya daw ng amoy ng alak kaya maaga siyang pumupunta sa part time job sa convenience store para mataas yung suweldo niya. Sa totoo lang hindi naman niya kailangang magtrabaho dahil may taga bigay ng allowance niya pero gusto niya daw akong samahan.
"Glen." Pagtawag ko sa pangalan niya. Nahihiya akong yumuko dahil mukhang 'di niya ako napansin.
"Oh, Ayara." Tumingin ako sa kaniya. Nakatitig siya sa'kin habang abala sa pagkain ng waffles.
"Salamat ah. Hindi kasi kita nakita kahapon."
"Okay lang may project kasi akong ginawa." Ngumiti siya sa'kin at tumingin ulit sa tindero. "Isang waffles pa nga po tapos anong gusto mong flavor ng syrup Ayara?"
"Ha? Ililibre mo ba ako?" Nagtataka kong tanong
"Oo alangang ako lang kakain."
"Strawberry na lang. Salamat."
"Strawberry na lang po kuya and isa pong strawberry juice drink."
Inilahad niya sa'kin yung waffle at juice. Wala akong choice kundi kunin 'to. Mukhang masarap eh mukhang mamahalin pa. Pagkatapos ay binayaran niya yung tindero ng isang libo. Pagkatapos niyang kunin yung sukli ay sumunod siya sa'kin. Walang salitang lumabas sa bibig ko ganoon din siya.
"Ahm." Pambasag niya sa mahabang katahimikan. "Kamusta yung macbook? Hindi ba nagka crash yung performance?"
"Okay naman siya hindi nga lang ako sanay. Maganda talaga siya bagong bago. Sa totoo lang nahihiya nga ako sa'yo ehh kasi mahal 'to." Pinakita ko sa kaniya ang hawak ko. Ngumiti siya sa'kin at ginulo ang taas ng buhok ko.
" 'wag ka na mahiya. Masanay ka na sa panlilibre ko. Kahit na ayaw mo ililibre pa rin kita." Tumawa siya ganoon din ako.
"Mahilig ka ba sa music?" Biglang tanong ko.
"Music? Oo naman. Bakit?"
"Napansin ko lang, kasi madaming sticker ng guitara sa macbook mo." Tumigil siya sa paglalakad at ipinakita niya ang cellphone niya.
'Music can always change the mood of everybody.' Iyon ang nakalagay sa notes sa phone niya.
"Do you agree?"
"Hmm. Yung papa ko nga nawala dahil sa music." Patawa kong aniya.
"Ha? Paano?" Nagtataka niyang tanong.
"Hiniwalayan niya si mama para sa banda niya." Hindi siya sumagot dahil siguro alam niyang nasasaktan ako. Ni hindi ko nga alam yung mukha ni papa eh kaya kahit makita ko man siya ngayon. Hinding hindi ko siya makikilala. Ayoko rin naman siyang makita pa. Hinding hindi ko siya matatanggap bilang ama ko.
Tinignan ko siya at nakayuko siya habang umiinom ng juice. Ito ang first time naming dalawang magkasama dahil hindi talaga kami nag uusap. Binabati lang namin ang isa't-isa kagaya ng pagngiti. Pero napaka komportable ng pakiramdam ko ngayon. Tama nga si Mickaela mabait talaga si Glen. Magka edad kami kaya hindi ko siya tinatawag na kuya. Nalate lang akong mag-aral dahil nag ulit ako noong unang baitang.
Ilang minutos lang ang linakad namin at nakarating na ako sa convenience store kung saan kami nagtratrabaho ni Mickaela. Nakasunod pa rin siya sa likod ko na parang gusto niyang bawiin yung naitanong niya.
"Dito na ako. Salamat ulit sa libre ah." Ngumiti ako sa kaniya at akmang papasok na sa convenience store ngunit narinig kong tinawag niya ang pangalan ko nang pabulong.
"Wait, Ayara. Pasensya na 'di ko kasi alam eh."
"Okay lang. 'wag kang maawa sa'kin. Libre rin ba kita?" Hindi siya kaagad sumagot pero tumango siya. Ayoko rin naman kasi siyang maguilty sa sinabi niya kahit na wala namang mali.
"Hi Ayara. Ba't late ka ng 3 minutes?" Sabi sa'kin ni Mickaela pero napatigil siya nang makita niya na nakasunod sa'kin si Glen. Pinandilatan niya ako ng mata saka hinarap si glen. "Hi kuya Glen!" Bati niya dito.
Agad siyang lumabas sa counter at naki chismis sa'kin. Humawak siya sa braso ko at lumapit sa tenga ko para bumulong.
"Bat magkasama kayo? May nangyayari bang wala akong alam?" Masungit niya akong tinignan.
"Wala nagkita lang kami sa labas kanina." Tinignan ko si Glen na tumitingin sa mga products. "Wait lang magpalit lang ako. Mamaya na muna yang chika mo." Kinindatan ko siya at kinuha 'yung uniform ko sa locker. Mabilis lang akong nagpalit. Paglabas ko pa lang sa changing room ay nadatnan kong kumakain siya ng burger.
Dumiretso ako kung nasaan si Mickaela. Kinuha ko ang name tag ko at hinarap ko si Glen na busy sa pagkain habang nakatingin sa cellphone niya.
"Ba't yan lang kinuha mo? Sabi ko sa'yo ililibre kita sana yung mas mahal." Napatingin siya sa'kin at napatawa.
"Nagcracrave ako ng burger eh. Hindi ko din naman gusto ng chips or drinks. Hindi ako mahilig."
"Sana yung mas mahal kasi mahal kanina yung nilibre mo sa'kin na waffle."
" 'wag mo na lang isipin. Binayaran ko na 'to. Balik ka na sa trabaho mo at baka mapagalitan ka pa." Ginulo niya ang buhok ko at tumayo.
"Teka wala na ba akong p'wede ibayad sa'yo?"
"You don't owe me anything Ayara. It's okay. Treat me dinner next time." Ngumiti siya sa'kin at umalis na. Nang tumunog ang bell sa taas ng glass door. Dumiretso ako sa counter kung nasaan si Mickaela dahil breaktime niya ngayon.
"Dinner dinner. Ano ba talaga kayo?" Nakasimangot niyang tanong at kumuha ng yogurt at cup noodles sa shelves na nakatala para sa'min.
"Jusko aksidente nga lang kaming nagkita sa waffle stall doon sa labas ng engineering department."
"Eh bakit magkasama kayo? Ba't 'di mo sinasabi? Pinagpapalit mo na ba ako?" Maiyak iyak na tanong niya pero tinalikuran ko na lang siya. Artista nga naman oh. Humalakhak siya ng malakas pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Bahala ka diyan. Sinabi ko na ngang walang nangyayari sa'min." Kinuha ko yung mga bagong deliver na stock at nilagay sa mga sarili nilang paglagyan. Iniwan ko muna si Mickaela na kumakain sa counter.
Tumunog na naman ang bell. Ibig sabihin ay mayroon na namang bagong customer.
"Bahala ka na muna diyan Mickaela." Sabi ko kahit na patuloy pa rin ako sa pag-aayos. Ni hindi ko pinagtuunan ng pansin yung customer dahil self-service naman yung mga food & drinks dito.
"Where are you? Oh, nevermind." Narinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Muntik ko na mahulog ang mga hawak ko nang mapagtanto kong si Roch ang lalaking customer. Tinignan ko siya at nakahawak siya sa cellphone niya habang nakatingin sa mga chocolates na naka display.
"Hoy diba siya yung nakita natin nung nakaraan?" Pagtawag sa'kin ni Mickaela na agad namang nakakuha ng attention ni Roch. Napatingin siya sa'kin.
"Ayara." Agad niya akong nilapitan. "What a coincidence." Makikipagkamay sana siya pero nakita niya na marami akong hawak. Imbes na lumayo siya sa'kin ay tinulungan niya ako mag ayos sa shelves.
"Salamat." Ngumiti ako sa kaniya at bumalik sa counter para bantayan. Kasi break nga ni Mickaela.
Tinignan ko si Mickaela na tapos na kumain. Kinurot niya ang tagiliran ko. "Hayop ka. Ba't ka kilala ni pogi? Anong klaseng mahika na naman ang ginawa mo?"
Tumawa ako sa kaniya dahil baka marinig pa ni Roch yung isasagot ko. Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik siya na may hawak na mga snacks at alak. Tumitig siya sa'kin habang ini scan ko yung mga binili niya.
"ID sir." Sambit ko dahil hindi p'wedeng magbenta ng alak sa minor. Inilahad niya yung ID niya, Rocheux Morozov. 21 na siya? Wait akala ko mas bata siya?
"Can i get my ID back, miss Ayara?" Tumawa siya nang konti kaya ibinalik ko kaagad yung ID niya. Nagulat talaga ako. Masyadong malayo yung itsura at edad niya.
Inilagay ko sa paper bag yung mga pinamili niya. "A total of 269 sir. Cash or card sir?"
"Cash." Ibigay niya sa'kin yung isang libo. "Keep the change." Kumuha siya ng kung ano sa paper bag na ibinigay ko at inilapag niya ito sa counter. "Don't get thirsty. I don't want you to wake up in the middle of the night just to get a coffee." Kumindat siya sa'kin bago umalis.
Naiwan akong nakatulala at hindi ma sink in sa utak ko yung mga sinabi niya. Concern ba siya o malandi lang talaga? Sino ba namang kasing 'di magtataka eh kumindat pa ang loko. Biglang nawala ang interest ko sa kaniya. Mamatay na't lahat ayoko ng malandi. Naiinis at naiirita ako sa mga taong ganito. Ngayon alam ko na kung bakit gusto niya ako makilala pa ng husto. Interesado din siya sa'kin para iwanan din ako sa ere kagaya nang ginawa ni papa kay mama.