SUNSET Nang mahimasmasan ako ay sabay kaming naglakad pabalik sa harap ng shop. “Ako na ang bahala kumausap sa manager mo tungkol sa nangyari. Huwag ka ng pumasok sa loob,” sabi niya habang nakaalalay sa akin. “P-pero—” “I insist. Papalabasin ko na lang siya kung gusto ka niyang makausap,” aniya. “S-sige.” Nang nasa harap na kami ay nabungaran kong nasa labas na ng sasakyan si Seff at Bucke. Puno ng pag-aalala ang mukha ng dalawa pero nangingibabaw ang takot at pagkabahala ng makita ako. Nagmamadali silang lumapit sa akin. “Okay ka lang, Ms. Sunshine.” Si Seff na hindi malaman ang gagawin ng nasa harap ko na. “Who are they?” tanong ni Ryker. I was about to answer when I heard Lorrie's voice. “What happened?” humahangos na tanong ng kaibigan ko ng lumapit sa amin. Puno na

