SUNSET Tumayo si Ryker at hinarap ang bagong dating. Hindi nakaligtas sa mata ko ang tila paglinga-linga nito sa loob na parang inaalam kung may kasama ba ang babae. “Who's with you?” tanong kaagad niya sa babae. “I'm alone.” Lumipat ang tingin ng babae sa ‘kin. “Hi. What's your name?” tanong nito. Tumayo ako at nakangiting nilahad ang kamay ko sa babae. “I'm Sunset.” Inabot niya ang kamay ko para makipagkamay. Hindi naman nakaligtas sa mata ko ang pagsulyap ni Ryker sa magkaupan naming palad ng babae. “Nice to meet you, Sunset. I’m Vierra.” Binalik niya ang tingin kay Ryker na tahimik bago muling bumaling sa ‘kin. “Ryker's fiancée.” Para akong naestatwa sa pwesto ko ng marinig ko ang sinabi nito. Kasabay nito ang pagluwag ng kamay ko sa kamay ni Vierra para bitawan. Nakaramdam

