SUNSET Kahit kumain na ako ng almusal sa mansion ay pinili ko pa rin sabayan si Ryker. Si tatay naman ay sinamahan si nanay sa sala. Hindi ko pa nga pala natanong dito kung namamasada pa ba ito o hindi na. Sabagay, kailangan ni nanay ang presensya ni tatay lalo na ngayon na malapit na siyang operahan. “Ano'ng sakit ng nanay mo?” tanong ni Ryker. “Mahina ang puso ni nanay. Pero malapit na siyang maoperahan,” sagot ko at muling tinuon ang atensyon sa pagkain. “I see. My mom suffered from an illness too.” Napahinto ako. Mula sa pagkain ay nag-angat ako ng mukha para sulyapan siya. Wala akong mabanaag na kahit anong emosyon sa mukha niya. Kalmado lang siya kahit binanggit niyang may sakit din ang ina niya. “Kung okay lang, pwede ko ba malaman ang sakit n'ya?” “Leukemia,” mabilis ni

