Chapter 3

1616 Words
SUNSET Hindi ko tinigilan tanungin ang lalaking nakaupo sa passenger seat at ang driver ng magarang sasakyan. Alam kong naririndi na sila sa boses ko pero hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang sagot mula sa kanila. “Saan n'yo ba ako dadalhin? Ano ba talaga ang kailangan n'yo sa ‘kin?” sunod-sunod na tanong ko. “Hindi kami ang makakasagot sa mga tanong mo, Ms. Sunshine. Sumusunod lang kami sa inutos sa amin,” kalmadong sagot ng lalaki na nakaupo sa passenger seat. “Sino ang nag-utos sa inyo?” “Hindi rin pwedeng sabihin. Malalaman mo rin sa takdang panahon.” Pagak akong tumawa. “Lintik na takdang panahon ‘yan. Pwede ko kayong kasuhan sa ginawa n'yo. Kakasuhan ko kayo!” gigil na sabi ko sa kanila. Hindi nakaligtas sa mata ko ang ngisi nilang dalawa, na para bagang hindi nabahala ng sinabi ko na pwede ko silang kasuhan. “Kung sino man ang nag-utos sa inyo, humanda kayo dahil hindi ako nagbibiro sa sinabi ko. Kakasuhan ko kayo ng kidnapping!” angil ko sa mga ito. Mas lalo ako nanggigil ng makita ko kung paano nagpipigil ng tawa ang dalawa. Parang biro lang sa kanila dahil tila tuwang-tuwa pa sila sa sinabi ko. Ilang sandali lang ay narating na namin ang bahay, o mas tamang sabihin na mansion. Masyadong malaki ito para tawagin lang na bahay. Base sa mga kagamitan na nakikita ko ay hindi biro ang halaga ng mga ito. Dinala ako ng dalawang lalaki sa isang silid na sa tingin ko ay visitors area at wala man lang sinabi na basta na lang ako iniwan mag-isa. Halos malula ako sa laki ng silid. Doble ang laki nito kumpara sa bahay namin. Hindi ako mapakali habang naghihintay. Nauubusan na rin ako ng pasensya dahil ilang minuto na ako narito ay wala pa ring humaharap sa akin. Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay bumukas na ang pintuan. Kaagad akong tumayo at malalaki ang hakbang na sinalubong ko ang matangkad na lalaking may dalang briefcase. Malapad pa ang ngiti nito habang palapit sa akin. Pero paglapit ko pa lang dito ay mabilis na umigkas ang palad ko sa pisngi nito. Halos dumagundong ang sampal ko sa loob ng apat na sulok ng silid. Bakas naman ang gulat sa mukha ng lalaki dahil sa ginawa. “What the heck? Why did you slap me, Miss Rozaldo?” gulat niyang tanong habang sapo ang pisngi kung saan dumapo ang palad ko. “Maang-maangan ka pang animal ka. Ano'ng sinabi mo sa magulang ko, ha? Bakit pumayag sila na kunin ako ng mga lalaking iyon at dalhin dito?” Pumalatak ang lalaki. Mas lalo lang ako nainis dahil kung mag-react ito ay tila ba may mali sa sinabi ko. “I think you are talking to the wrong person, Miss Rozaldo.” Kumunot ang noo ko. Sinundan ko na lamang ng tingin ang lalaking bagong dating. Umupo ito sa mahabang sofa bago binuksan ang briefcase na dala nito. He raised his face to look at me and gestured with his hand to the single sofa in front of him. "Sit down first, Ms. Rozaldo, so we can talk about it properly." Nakataas ang kilay na umupo ako at pasimpleng pinasadahan ito ng tingin habang may nilalabas na kung anong papel mula sa briefcase. Napansin ko na parang professional siya kung kumilos at magsalita. Maging sa pananamit ay para siyang kagalang-galang na tao. Sino ba ang lalaking ito? Siya ba ang nag-utos na dalhin ako dito? “I just want to make it clear that I am not behind all this, Miss Rozaldo,” aniya ng sulyapan ako. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. “By the way, let me introduce myself.” Nilahad niya ang kanang kamay sa harap ko. “I'm Atty. Ulysses Damascus, Mr. Trevino's lawyer.” My lips parted. “H-hindi ikaw ang nag-utos na dalhin ako dito?” Malawak siyang ngumiti. “Apparently, yes.” Napasinghap na lang ako at nanlaki ang mata ko sa naging sagot nito. Parang gusto ko na lang maglaho sa harap niya dahil sa kahihiyan. Hindi dapat siya ang nakatanggap ng sampal ko. “Si Mr. Trevino ba ang nag-utos na dalhin ako rito?” tanong ko ng makabawi sa pagkapahiya. “Yes.” “Bakit ikaw ang nandito? Bakit hindi siya ang humarap sa ‘kin?” tanong kong muli. “Dahil makakaharap mo lang siya sa araw mismo ng kasal ninyong dalawa.” Hindi kaagad ako nakahuma sa sinabi nito. Parang nawindang ang buong sistema ko ng binanggit nito ang salitang kasal. Pilit ko pinoproseso sa utak ko ang narinig ko. Nang bumalik sa katinuan ay tumikhim ako para linisin ang tila nakabara sa lalamunan ko. Pagak akong tumawa bago tinuro ang sarili ko. “Ako? Ikakasal? Nagbibiro ka lang attorney, ‘di ba?” Pinatong niya sa mesa ang hawak na papel at nilagay sa harap ko. “Making jokes in front of my client's future wife is not something I do, Miss Rozaldo,” seryoso nitong saad. Abogado nga siya dahil sa pagiging professional niya magsalita. Bumaba ang mata ko sa papel. “Ano ‘to?” “That's a contract. All you need to do is sign the contract and then just wait to tie the knot with Mr. Trevino.” Muli akong tumawa ng pagak ng balingan ko ang abogado. “At sa tingin mo ay pipirmahan ko ang kontratang ito? Manigas kayo ng kliyente mo, attorney. Hindi ko kilala ang lalaking tinutukoy mo tapos pipirma ako sa pisteng papel na ‘yan? Ibalik n'yo na ako sa magulang ko dahil kailangan ako ng nanay ko,” matapang kong saad. “That's the purpose for why you are here, Miss Rozaldo. When you agree to marry Mr. Trevino, he will take your mother to the hospital and get her treated. Lahat ng expenses sa ospital ay sagot niya.” Nangunot na naman ang noo ko. Bakit parang kilala na nila ako at maging sakit ng nanay ko ay alam nila? “Pina-imbestigahan n'yo ang family background ko?” hindi makapaniwala na tanong ko. “Sort of.” Mapang-uyam akong tumawa. Hindi ako makapaniwala na may mag-aaksaya na pa-imbestigahan ako. Simple lang akong tao. Simpleng buhay lang ang mayroon ako pero malalaman ko na may nag-abalang imbestigahan pala ang pamumuhay ko? Ang weird! Sa kabilang banda ay pabor sa akin ang kondisyon dahil mapapagamot si nanay na wala kaming gagastusin. Ngunit ang kapalit naman nito ay magpapakasal ako sa lalaking hindi ko pa nakikita. Matatali ako sa isang relasyon na hindi ko naman mahal ang lalaking pakakasalan ko. Muli kong tinapunan ng tingin ang papel. “Para saan ang kontrata na ito?” Ano ang purpose ng papel na ito kung makikita ko lang si Mr. Trevino kapag ikakasal na kami? “Hindi ko ito pipirmahan ng basta lang ng hindi ko pa nababasa ang laman ng kontratang ito. May karapatan naman siguro akong basahin ito, ‘di ba, Atty. Ulysses?” nakataas ang kilay na tanong ko. “What a smart, woman. Yes, you can read the contract,” nakangiti nitong sabi. “Sige, pwede n'yo na akong iwan,” sabi ko at tinuon na ang atensyon sa kontrata para basahin. “I can't leave without the contract, Miss Rozaldo.” Mula sa papel na hawak ay sinulyapan ko ang kaharap. “Ngayon mo rin iyan pipirmahan. So it means, hihintayin kitang matapos basahin ang kontrata at kapag napirmahan mo na ay saka ako aalis.” Inirapan ko siya bago muling tinuon ang atensyon sa kontrata. Katulad ng sinabi ni attorney ay sasagutin ni Mr. Trevino ang pagpapagamot sa nanay ko. Maging mga gamot ay ito na ang bahala. Malaya ko rin madadalaw ang magulang ko. Ngunit nalungkot ako dahil dito ako titira hanggat hinihintay ang kasal naming dalawa. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil pagdating ng isang taon ay saka nito ipawalang bisa ang kasal naming dalawa. When I finished reading the contract, I glanced at Atty. Ulysses, who was looking at me seriously as if examining my facial expression. “Pipirma na ako,” walang emosyon na sabi ko. Nagliwanag ang mukha ng abogado dahil sa sinabi ko. Kaagad naman niyang binigay ang ballpen sa akin. Huminga ako ng malalim bago pinirmahan ang kontrata. Alang-alang sa nanay ko, papayag ako magpakasal sa lalaking iyon. “Thank you, Miss Rozaldo,” sabi nito ng binigay ko ang kontrata. Nilagay na niya ang kontrata sa briefcase nang may bigla akong naalala. “Wala akong copy?” Halatang natigilan ito. “Matalino ka talaga, Miss Rozaldo. Hindi ka nagpapalamang.” Mayamaya lang ay tumayo na ito. “Bibigyan kita ng copy pagbalik ko.” “Kailan? At saka, kailan ba ang kasal? Isang taon ang kontrata, 'di ba? I mean, saka lang ba ako magsisimula magbilang kapag kasal na kami o simula ng napirmahan ko ang kontrata?” Kailangan ko alamin para hindi ako dehado. “I think si Mr. Trevino ang makaka-sagot sa tanong mo, Miss Rozaldo. Nandito lang ako para papirmahan ang kontrata sa ‘yo.” “Sandali!” tawag ko ng tinalikuran na niya ako. “Bakit ako? Bakit ako ang napili niyang pakasalan? Dahil ba kailangan ko ng pera para sa nanay ko kaya sinamantala niya ang sitwasyon?” Pumihit siya paharap sa ‘kin. “Katulad nga ng sinabi ko, nandito lang ako para sa kontrata.” Nakasimangot na umismid ako kahit wala na sa harap ko ang abogado. Muli akong nahulog sa malalim na pag-iisip. Isang malaking katanungan kung bakit sa dinami-dami ng babae, bakit ako ang napili na pakasalan ni Mr. Trevino? At saan naman kaya niya ako nakita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD