SUNSET Nang umalis si Ryker ay pumasok naman si Reece. Tinuloy niya ang naiwan ni Ryker. Pagkatapos niyang lagyan ng benda ang dalawang kamay ko ay nasaksihan niya ang sakit na nararanasan ko. At nang bahagyang humupa ang emosyon ko ay nagtanong na ako kung bakit kasama si Ryker ng sagipin ako nina Bucke at Seff. Ang sabi niya ay hindi pa sila nakakaalis ni Serge sa labas ng university. Gusto niya akong isama sa pupuntahan niya kaya hinintay niya akong lumabas. At nasaksihan nga nila na pinasok ako sa sasakyan. Kaagad niyang tinawagan si Ryker para sabihin na dinukot ako. Dahil may numero si Serge ng dalawa kong bodyguard ay binigay nito iyon kay Ryker. Kinontak ni Ryker ang dalawa kaya nakasunod ito. Napaisip tuloy ako, gumagawa ng paraan si Ryker para mailigtas ako pero ang tao na

