Chapter 2

589 Words
After 3 months.... This is Ariela's point of view. Tamad akong bumangon sa aking kama at tinignan ang oras sa relo na nakalagay sa aking gilid. It's only 5:30 in the morning. Nagising ako dahil parang hinahalukay ang aking tiyan. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at dumiretso sa banyo upang doon sumuka. Araw araw ko itong nararamdaman at alam ko kung ano ang dahilan kung bakit gan'to. Pagtapos sumuka ay nag-mumog ako at nag-hilamos. Nag-toothbrush na din ako at pinusudan ng maayos ang aking kulot na buhok. Lumapit ako sa salamin at tinaas ang damit na suot ko. Ngumiti ako at hinaplos ang tiyan ko'ng may umbok na. Yes, I'm pregnant and I'm happy. Hindi ko kailangan ipa-abort 'to, pinalaki ako ng maayos ng magulang ko at hindi ko gagawin 'yon. Lumabas ako ng comfort room at naupo sa aking kama. Last month ko lang nalaman na buntis ako. Namimili kasi ako noon at hindi din maganda ang pakiramdam ko. Nahimatay ako at akala ko dahil lang sa init, iyon pala may angel na ako dito. Bumuntong hininga ako at lumabas na ng kwarto, I smile sadly when I saw the picture of my Nanay. Nanay didn't make it, she gave up. Ang daya nga e, iniwan kami ng apo niya. Bago pa siya pumanaw ay alam niya na may apo siya. Sinabi ko 'yon sa kaniya, nagtaka siya nu'ng una pero pinaliwanag ko din at naintindihan naman niya. Lumabas ako sa apartment na tinutuluyan at akmang hahakbang na sana nang makita ko ang lalaking.... nakabihag sa puso ko noong gabing 'yon. Anong ginagawa niya dito? Nakatingin siya sa akin ng seryoso kaya kinabahan ako, as far as I know tumupad ako sa usapan namin. Napalunok ako nang unti unti siyang naglakad palapit sa akin, I notice his gray eyes. Walang emosyon 'yon. Naka-igting ang kaniyang panga. "U-uh, how may I help you, Sir?" sabi ko at umiwas ng tingin. Na-concious naman ako sa suot ko kaya sinuyod ko ng tingin ang aking suot. Naka-daster na ako at... bakat ng konti ang tiyan kong may umbok na. "It's nice to see you again.... Ms. Santiago." Halos manigas ako sa lamig ng boses niya, lumunok ako at tinignan siya, "What do you want?" I ask. "You and our baby," aniya na nakapag-laglag sa aking panga. W-what? Alam niya na buntis ako? P-paano? Kailan? "B-baby?" tanong ko. "Don't lie to me, Riela. Masama ako magalit, ayoko sa sinungaling," malamig niyang sinabi. Lumunok ako at yumuko. Damn, nakakatakot! Nakakatakot na siya kapag seryoso, paano kaya kapag galit? Tumikhim ako at tumingin sa kaniya, "S-sasama ako, 'wag mo lang ako sasaktan," sabi ko. Tumango siya at seryoso akong tinignan, "Don't bother to bring clothes. I will be the one whose gonna handle your things," aniya at naglakad na palabas. Kabado akong sumunod sa kaniya at nakita ko ang sports car niya na nakaparada sa harap ng apartment. As usual, lalabas at lalabas ng mga chismosa't chismoso kaya napaka-dami nilang nakapalibot sa sasakyan ni Thaddeus. Pumasok na siya sa sasakyan at ako nama'y hindi alam kung sasakay ba. Impossible na pasakayin niya ang isang hampas lupa diyan 'no! Ngunit nagulat ako ng dumungaw siya at tinignan ako, "Are you just going to stand there? Hop in, stupid," aniya kaya napasimangot ako. Bubulong bulong akong sumakay sa sasakyan niya at nag-kabit ng seatbelt. Tumingin siya sa akin kaya napa-tahimik ako. Nang makarating kami sa kung saan ay tumigil na siya at bumaba na at hindi man lang ako pinagbuksan! Hmp, ungentleman jerk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD