Khalila
"Lila, penge nga ako ng bente. May nagbebenta ng scramble sa labas. Bibili ako," Kuya Konnar said when he spotted me in the pool area, waiting for Halley's call.
"Wala akong bente, kuya. Humingi ka kay kuya Keeno."
Sumimangot siya. "Ayaw niya na akong bigyan. Wala na raw siyang kulay orange. Puro raw blue."
Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Bakit kasi hindi mo gamitin ang cards mo at mag-withdraw ka?"
"Pipila pa ako tapos puro blue rin ang iluluwa ng machine. Nakakapagod."
I rolled my eyes. Sometimes I really question how my eldest brother's brain works. He's a tycoon in the business world. Probably one of the best ones in his generation, pero ang mga pinoproblema niya, sobrang dadali tapos kami pa rin ang pasasakitan niya ng ulo.
"Humingi ka kay Daddy. Huwag mo kong guluhin dahil sa bente, kuya."
Binuhat ko ang laptop ko't pumasok sa loob ng bahay. I went straight to my room and patiently waited for Halley's call, and when he finally did, I couldn't help but flash a smile.
"Hey..." tila nawala ang pagod niyang bati sa akin. He's still wearing his training suit. Para bang pagkatapos na pagkatapos ng training ay ang tawagan ako ang una niyang ginawa.
"Nasa site ka pa ba?" I asked.
He jerked his head. "Yeah. Mayamaya uuwi na rin ako sa quarters." He ran his fingers onto his hair and stared at me for a few moments. He then let out a heavy sigh as he slouched on his chair. "Damn, I miss you. Dalawang buwan pa lang ako rito pero nangangati na mga paa kong umuwi."
I smirked. "Why? Isn't there enough girls who entertain you, hmm?"
Halley groaned. "You know how faithful I am with you." He clicked his tongue. "How's my baby?"
Pabiro ko siyang inirapan. "Stressed. Kuya Konnar keeps on asking me for twenty pesos. Kahapon pa siya nangungulit." Mahinang natawa si Halley. "Bakit kasi hindi na lang kayo magpapalit ng tigbebente para tuwing nanghihingi siya madali na lang ninyong nabibigyan?"
"Pahihirapan ko pa ang sarili ko kung pwede namang siya ang magpapalit?" Dumapa ako sa kama at nagpangalumbaba sa unan. "I'll meet a potential business partner in Orlando by the end of the month. Pwede akong dumiretso ng Texas so I can visit you."
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Halley. His brown eyes flickered with excitement as if all his hard works during his trainings are worth it basta makita at makasama niya lamang ako.
"Now you're not gonna let me sleep for several days."
I smirked. "You better get rid of all the chats you wouldn't want me to see in your phone before I get there, Hall."
"I told you, Lil. Baliw ako sayo. There's nothing to hide."
My heart felt a different kind of warmth. Pati tuloy ako ay na-excite nang makita at makasama siyang muli kaya naman nahirapan din akong matulog nang ilang araw.
Nang mag-flight na ako ay hindi niya ako nire-reply-an kaya akala ko ay masyado siyang busy. Ayaw ko namang maging makulit kaya hindi ko na lamang tinawagan pa, ngunit pagdating ko sa airport ng Orlando ay ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko si Halley na naghihintay sa akin sa arrival area.
Parang bigla kong nakalimutang wala pa rin kaming label. I ran towards Halley who's wearing a button-down black polo with sleeves folded up to his elbows. Napatalon ako't ang mga binti ay yumakap sa kanyang baywang. Masyado rin kaming nadala ng pagkikita namin kaya nang halikan niya ako sa mga labi ay para bang nawala ang lahat ng tao sa paligid ko.
I kissed him back and showed him how much I missed him, too. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay tinitigan ko ang mga mata ni Halley na para bang puno ng saya'ng makita akong muli.
"Paano pa ako aalis nito kung ngayon pa lang ganito na ko kasabik na makasama ka, hmm?" he asked. "You cannot visit me in the international space station, babe."
Nalunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. It's his dream to go to space and I don't want to hinder him, kaya nga kahit gusto ko siya ay hindi ko pa rin hinahayaang magkaroon kami ng label. Siguradong oras na maging opisyal kami ay mas ipa-prioritize na niya ako. I don't want him to give up something he loves, just to prove to me how much he wants me in his life.
"Bakit dito mo ako hinintay? Wala ka bang training ngayon sa Texas?"
"Nakahingi ako ng isang linggong break. Kalyl helped me find a place to stay at while we're in Orlando. Ayaw ko ring mahirapan ka pang magpabalik-balik sa Texas at dito."
My heart felt a different kind of warmth. Hanggang dito ba naman, ako pa rin ang iniisip niya?
"What is Kalyl doing here?"
"May artworks siya sa isang art museum dito sa Orlando. Sakto namang nandito siya para sa exhibit nila so I asked him if he can recommend a place for us."
"At saan ang nairekumenda niya?"
Halley intertwined our fingers before he sighed. "His house. Surprisingly, he has a property here dahil 'yong nakapag-ampon sa kanya noon, US citizen."
Napakurap ako. "Can't we just stay in an AirBnb or hotel?"
"But his place is great, Lil. It's a farmhouse and he's offering it as an AirBnb to only a few people."
I sighed. "I don't know. Mainit pa rin ang dugo ko sa kanya."
"Malaki naman ang bahay niya at ako naman ang makakasama mo the whole time. They have cows and horses. Maganda ring gawing inspiration ang lugar for your next project." Halley rubbed the back of my palm with his thumb. "The place is perfect for us, Lil."
Tumango na lamang ako. Ngayon lang hindi ikinunsidera ni Halley ang opinyon ko, pero imbes na mainis, na-appreciate ko pa ang ginawa niya dahil halata namang kahit ayaw ko kay Kalyl ay ang magiging reaksyon ko pa rin sa lugar ang priority ni Halley nang piliin niya ang bahay ni Kalyl.
"Just make sure he's not gonna bug me the entire time, Hall kun'di pagbubuhulin ko kayong dalawa."
"Sabi niya naman magkukulong lang din siya sa art studio niya habang nandoon tayo. He's not gonna get in our way, I promise."
"Fine. Are we gonna share a room?"
A meaningful smirk made its way to Halley's lips. "If you want to."
Pabiro ko na lamang siyang inirapan kahit alam ko naman sa sarili kong magtabi man kami sa kama, hanggang halik at yakap lang ang gagawin ni Halley. He never lost control over his lust despite us spending a lot of times alone, probably because he knew I wasn't ready for something more than hugs and kisses.
"May request lang pala si Kalyl. He's not gonna charge us for staying at his place but he wants you to do something."
Kumunot ang noo ko. "What is it?"
Halley grabbed my suitcase.
"He wants you to cook for the three of us in our entire stay at his place."
Umikot ang mga mata ko.
Gagawin pa akong personal chef ng putanginang Herrera'ng iyon!