Snow Artemis Montevista's POV
"Congratulations mga anak! We are so proud for the both of you." sabi ni Mommy habang pinapahid ang mga mumunting luha sa mga mata.
Today is a great day for me and my twin brother. We just graduated Senior High and now mommy is too emotional for us. Maybe 'cause we'll take another step of human life has.
Nakangiti naman si daddy sa amin at inaalo si Mommy na ngayon ay nangingiti na. Nasa likuran nila ang mga kapatid namin na may nakapaskil na ngiti at proudness sa mga mukha.
"Namana niyo talaga sa akin ang katalinohan niyo noh? Biruin niyo? Valedictorian at Salutatorian? Ang galing ko talaga!" may pagmamalaking sabi ng Kuya Helios namin na agad binatukan ng pabiro ni Daddy sabay tawa. Ako ang Valedictorian while si Fyro naman ay Salutatorian. Ewan kung pinagbigbigyan lang ba ako ng kambal ko pero tingin ko magkasingtalino lang naman kami.
"Papanong mamamana sayo Kuya? Katulong ka ba nila Mommy ng ginawa nila itong kambal?" kontra naman ni Ate Shantel kay Kuya Helios na ikinasimangot nito at ikinakamot sa kanyang ulo.
Tawanan lang ang naging sukli dahil sa sinabi ni Ate. Kahit kailan talaga.
"Wag kang mag-alala Kuya. Paborito parin kita haha." sabi ni Fyro, na inakbayan si Kuya kahit mas mataas ng ilang pulgada si Kuya Helios sa kanya. Napailing nalang ako. Habang sila Mommy naman ay nangingiti lang.
"Oh siya tayo na at magcecelebrate pa tayo sa bahay. Andun ang mga pinsan niyo naghinintay." Agad naman naming sinunod ang sinabi ni Mommy at nagpaalam sa mga Teachers namin at ibang kasama naming Gumraduate rin.
Pagdating sa bahay ay sumalubong sa amin ang mga pinsan at mga tiyahin at tiyuhin namin. Marami ang handang pagkain na parang magp-pyesta ata sila dito sa bahay.
"Cous! Congrats, college ka na sa susunod na pasukan. Doon ka rin ba mag-aaral sa pinapasukan namin?" tanong sa akin ng pinsan kong napakabibo na si Andra. Cassandra Irish ang buong pangalan niya but nakasanayan ng ganyan ang itawag sa kanya.
Lumayo kami ng konti sa mesa kung nasaan sila Mommy na busy rin sa pinag-uusapan nila.
Nginitian ko siya bago sinagot, "Salamat. Hindi ko pa alam eh. Wala pang pinag-usapan tungkol diyan. Sina Mommy nalang ang ipapadecide ko. Ewan ko kay Fyro baka may plano na siya."
Wala pa talagang desisyon tungkol sa pag-college namin ni Fyro pero napag-usapan na dati na nag kukuhanin naming course ay Business Ad, ang sa school naman wala pa. Mas okay siguro kung magkasama kami ng pinsan namin para may karamay. I'll tell it to Mommy pag nag-open ng topic about this.
Napa-pout naman siya at nagpapadyak ng kanyang paa na parang may isang bagay na hindi niya nagustohan o nakuha. Ang childish din nito eh. She's 20 while me and my twin just turned 19 last month, and that makes her my Ate pero di kami nagtuturingan na mag Ate instead parang magkaedad lang 'cause sa aming magpipinsan kami ang pinaka-close na alam ng buong angkan.
"Dapat doon kayo sa pinapasukan namin mag-aaral. Para magkasama na tayo ang dami kasing plastik sa school. Hindi ko naman kasi nahahagilap sa school ang mga kapatid ko at iba nating pinsan eh."
"Oh come on Andra. You're a model anong aasahan mo na hindi ka lalapitan ng mga toxic people? Wag kang mag-alala I'll talk to them about it."
Bigla nalang siyang nagtititili na ikinatingin ng iba naming kapamilya. Ibinalik naman nila sa kanya-kanyang pag-uusap at ginagawa ang kanilang atensyon pagkaraan ng ilang segundo. Sanay na kami sa ganitong ugali ng pinsan kong to. Kung gumalaw ay parang hindi modelo o di kaya'y babae.
Napailing nalang ako sa kanya at pinakinggan siyang magkwento tungkol sa paaralang pinapasukan niya at sa mga estudyante doon.
Maya-maya pa ay sinimulan na nag kainan na napuno ng tawanan at batian. Iisa nalang ang hinihintay na makatapos ng higschool at yun si Wren Ares na nasa Grade 10 na. Matalino ang batang ito at duda kong mas matalino 'to sa amin ni Fyro. May pagkanerd ngalang..
Matapos ang kainan balik ulit sa usapan. Umakyat naman ako sa kwarto ko at nagbihis ganun rin si Fyro na katabi lang ng kwarto ko ang silid. Sabay kaming bumaba pagkapos at dumiretso sa likuran ng bahay namin na may malaking swimming pool at doon natagpuan namin ang kapatid at pinsan namin na mukhang nagkakatuwaan na.
"So, business ad ang kukunin niyo?" tanong ni Kuya Zues ang pinakamatanda sa aming magpipinsan. Tapos na siyang mag-aral at namamahala ngayon ng negosyo nila. Kahit ganun ay hindi parin siya nagbabago pagdating sa amin, malambing parin at maalagain.
Si Fyro na ang sumagot kay Kuya dahil tinulungan ko si Ate Spring ang kapatid kong patapos na sa pagiging med student. Wala siya kanina sa school dahil tumulong siya sa paghahanda dito. Hilig niya kasi ang pagluluto. Mga pagkain ang dala niya at ang pinsan ko namang mga PG agad na pinagtulungan ang dala niya.
"Oo Kuya. We will help on handling the business." sagot ni Fyro at kumuha ng pagkaing dala ni Ate Spring.
"Magaling yan ng makatulong kayo sa akin. Ang iba kasi dyan walang balak."pagpaparinig ni Kuya Helios kina Ate Shantel at Ate Spring na walang hilig sa negosyo. Pero Accountancy naman itong si Ate Shantel kaya may maitutulong siya. Iniripan lang ng mga kapatid kong babae si Kuya at hindi na pinatulan.
"So, sa susunod na pasukan sa school na namin kayo mag-aaral?" Tanong ni Loki na lumalamon ng pagkain.
"Oo nga! Sa grandparents niyo naman yon eh." sabi ni Andra na pursigido talagang magkasama kami.
Yep, sa grandparents namin yon sa mother side.
"Ewan, sila ang pagdedesisyunin ko." I said as a matter of fact. At nagtitigan kami ni Fyro. Nabaling naman sa bagong nagsalita ang atensyon namin.
"It's on the both of you. Kayo ang mag-aaral eh." our Ate Mayvil interfered. She's a lawyer graduated from Harvard, top notcher sa bar exam.
Sumang-ayon naman ang iba naming pinsan pero itong si Andra hindi talaga nakasimnagot at nagtatanrums.. Haha ang kulit. Well, malayo pa naman yun. No need to be pressured. Bakasyon pa naman.