"Class dismiss. See you tomorrow class, and don't forget to do your homeworks. Same rules, no homeworks, no enter. Understood?" mahinahon ngunit mautoridad na sabi ni Mrs. Delfa.
Everyone nodded and answered yes in unison. Mabait naman si Mrs. Delfa, yon nga lang ay ayaw niya sa mga pabaya sa paga-aral lalo na kaming mismong mga estudyante nya, she's our advicer after all.
Nang makalabas siya ay kaniya kaniyang buntong hininga ang mga kaklase 'ko. Sobra naman kasi talagang nakakapagod ang araw na ito para sa amin. Lalo na sa akin na laging nauutusan ng mga guro.
Kaya nga nabansagan akong Teacher's pet dito sa school ng mga estudyanteng sipsip at pabibo ang tingin sa akin. Mabuti na lang at hanggang doon lang yon, walang mga bully, good news yon.
"Let's go, Cline?" Aya ni Margaux ng makalapit sa puwesto 'ko.
Nasa unahan kasi siya samantalang nasa dulo ako. Alphabetically kasi ang arrangement ng upuan at kamasmalasang Zuelde ang surname 'ko at Aragon naman ang sa kanya. Nakakatawa hindi ba?
Sa kaniya ang simula at sa akin naman ang huli. Kaya siguro naging magkaibigan kami. I know na walang sense at connection pero dahil talaga sa surnames namin kaya kami naging magkaibigan ni Margs.
"Diretso na ako sa bahay. May bagyo kasing dumating," Umismid ako sa inis.
Tumawa naman siya. "Ano ka ba! Cheer up! Bagyo lang iyan! Si Cline Zuelde ka!"
Hindi yon bagyo lang! May kasamang lindol, baha, hurricane, pagsabog ng bulkan at tsunami pa!
Umirap lang ako sa inis at napasimangot nang maalala kung sino ang bagyong dumating na tinutukoy 'ko. Gusto 'kong gumala para hindi siya makita pero malalagot naman ako nito kay Kuya.
Humaba tuloy lalo ang nguso ko habang nakasunod kay Margs papunta sa Parking. May sarili na siyang kotse samantalang ako ay sinusundo pa rin ni Kuya Clyde. Ewan ko ba doon.
"Edi chat na lang para sa chika? May lakad rin kami ni Mommy," sabi niya bago sumakay sa kotse nya.
I smiled. "Of course! Isha-share ko sa iyo lahat para damay-damay tayo sa bagyo."
Bagyong may sungay din.
Tumawa sya. "Crazy! Sya sige na. Bye!"
Kumaway ako at pinanood siyang umalis. Chineck 'ko ang phone 'ko at nakitang nagtext si Kuya. Kaaalis niya lang daw sa opisina. Traffic pero 'di naman ganoong kalala kaya makakarating pa din daw siya.
"Hi, Cline," Sumulpot bigla si Ralf sa tabi 'ko.
"Ralf!" Malapad ang ngiting bati 'ko.
He's Ralf Julin, gaya namin ni Margs ay senior highschool na din siya pero nasa Class A2 siya, Class A1 kami ni Margs. Matalino din siya at sobrang bait. Kaya maraming may gusto sa kaniya, mapa-college o elem.
Ganoon siya kacharming, guwapo din naman kasi talaga siya. Crush nga siya ni Margs e, since junior highschool pa!
"Iniintay mo Kuya mo?" tanong niya at tumabi sa akin.
Matangkad siya at well built ang katawan kahit 17 pa lang din siya. Kasing laki na niya si Kuya, lamang lang sa muscle si Kuya dahil lagi siyang naga-gym at bukod doon ay 26 na din naman siya.
"Oo, medyo traffic kaya natagalan siya. Ikaw ba?" Sumulyap ako sa kaniya.
Napakamot siya sa batok. "Ahh.. ano.. m-may iniintay lang ako. Hehe.."
Tumango ako, medyo ang weird niya this past few days. Parang ilang na ilang siya sa akin at minsan pa nga ay 'di na siya nakakasabay sa amin sa snack or lunch which is very unsual for a clingy guy like him.
Kaibigan namin siya ni Margs pero may sarili syang barkada which is kaklase nya. Soccer player din siya at varsity din, sobrang hinahangaan siya ng lahat, kahit ako ay hanga sa galing at marami nyang talent.
"May problema ba tayo, Ralf?" tanong 'ko.
Matagal ko nang napapansin yon at hindi ako mapakali. Wala naman siguro akong nagawa o nasabing masama sa kanya hindi ba? Kasi kung meron ay dapat talaga akong magsorry para magkabati na kami.
Umiling siya agad. "W-Wala!"
Ngumuso ako. "Pero hindi ka na sumasabay sa amin ni Margs, nagtatampo na yon. Miss ka na raw kasi."
"Ikaw ba? Hindi mo ko na-miss?" Tila nagtatampong tanong niya.
I laughed. "Of course I miss you too! Wala na kasing makulit na gugulo sa buhay namin ni Margs e."
Ngumuso siya. "Ang sama mo."
Tumawa ako lalo. "Ito naman! Joke lang! Pero totoo, na-miss ka namin ni Margs, lagi ka kasing busy o hindi kaya ay parang kusang umiiwas sa amin."
Nagiwas siya ng tingin. "S-Sorry.. may iniisip lang kasi ako nitong mga nakaraang araw."
"Ayos ka lang?" concerned na tanong 'ko.
Umiling sya at tipid na ngumiti sa akin. "Oo naman! Hayaan mo. Babawi ako bukas! Ililibre 'ko pa kayo ng snacks!"
Napangiti ako dahil doon. "Sabi mo yan ha! Lagot ka sa amin ni Margs kapag hindi ka nanaman sumipot!"
"Hindi na. Sisipot ako," nangangakong sabi niya.
May bumusina sa tabi namin, si Kuya yon. Nakataas ang kilay nya habang nakatingin sa amin mula sa loob ng BMW nya. Humarap ako kay Clyde na mukang nahiya bigla kay Kuya.
"Uwi na 'ko. Nandyan na si Kuya. Iyong hihintayin mo ba matagal pa?" Sumilip ako sa loob ng campus.
"A-Ahh! Nakauwi na daw sila," sabi niya habang nakatingin sa phone niya.
"Paano yan? Sabay ka na lang sa amin?" Alok 'ko.
Parang nagliwanag ang muka niya pero bigla din yong naglaho. "Sorry pero may lakad ako e."
Tumango ako, disappointed. "Sige. Una na ako."
Gusto ko sana siyang makausap tungkol kay Margs. Hindi na kasi biro ang pagkagusto nya kay Clyde. Love na yon.
Kumaway ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Sumakay ako sa shot gun seat ng kotse ni Kuya at sinuot ang seat belt at tinanaw si Ralf na pauwi na din sa kanila.
Malapit lang naman ang bahay nila sa school.
"You better distance yourself to him," seryosong sabi ni Kuya habang pauwi kami.
I frowned. "What?"
He just tsked instead of answering me. Umirap lang ako at nanahimik. Naalala 'kong may masamang engkanto nga palang sasalubong sa akin paguwi 'ko. Agad na sumama ang mood 'ko dahil roon.
"Ayusin mo nga yang muka mo," saway ni Kuya sa akin.
Sumimangot ako at bumaba ng sasakyan. Imbis na sa bahay ay nandito kami sa tapat ng bahay ng engkanto na balak na sakupin ang buong mundo gamit ang kademonyohan niya.
Kaasar! Bakit pa kasi kailangan akong sumama? E wala naman akong pake kahit buong Japan ang inuwi niya!
"Smile, Cline. Aren't you happy to see him?" Nakataas ang kilay na tanong ni Kuya.
Sarkastiko akong ngumiti sa kaniya. "Kung alam mo lang kung ilang beses kong hiniling na sana ay doon na lang sya sa Japan mamatay."
He glared at me. "Watch your words, Cline."
"Watch your words, Cline. Nye nye," I mocked and rolled my eyes.
He sighed like he's so done with me. Sumunod na lang ako sa kanya papasok sa impyerno--I mean bahay nina Tita Sheena. Nasa tapat ay ang bahay namin. Oo, ganoon lang kalapit ang impyerno sa langit.
Kung pwede lang na umuwi ay gagawin ko. Pero ayokong maghugas ng pinggan kaya no choice ako.
"Kaasar," bulong 'ko at padabog na pumasok din sa bahay nina Tita Sheena.
Mula dito ay dinig na namin ang ingay sa kusina. Roon kami nagdirecho at nakita namin sina Tita Sheena at Tito Thomas na kakwentuhan sina Mama at Papa.
Syempre nandito talaga sila. They are all best friends after all.
Tumikhim si Kuya samantalang nanatiling nakahalukipkip ako sa likod nya. Lumiwanag agad ang muka ni Tita Sheena ng makita ang inaanak niyang mas malaki na sa kaniya at sa asawa niya.
"Clyde! You're here na! Namiss kita!" Tita Sheena exclaimed and hugged my Kuya tightly.
Higpitan mo pa Tita, yung tipong luluwa eye balls at organs niya.
"Omg! Ikaw na ba talaga 'yan, Cline?!" Ako naman ang nakita nya at hinigit para yakapin ng soooobrang higpit.
"I-I can't breath," nahihirapang sabi ko.
Bumitaw naman agad si Tita at bumungisngis. "You grow taller and prettier, Cline! Parang hanggang bewang lang kita noong huli tayong nagkita!"
Tipid lang akong ngumiti kay Tita. Wala akong ibang masabi. Medyo hindi ako sanay na makita siya. Graduation namin noong grade 6 ang huli naming pagkikita at grade 11 na ako ngayon.
Halos limang taon ko syang hindi nakita at madalang lang kung makausap kasi busy ako sa school o kaya naman ay sila ang busy sa business nila sa Japan.
"Grabe! You're so pretty! And I really love your hair!" She clasped her hands in joy.
Napahawak tuloy ako sa brown 'kong buhok na hanggang dibdib ko ang haba. Actually pinaputulan 'ko ito noong maggrade 7 ako. Dapat ay hanggang pwet 'ko na ito ngayon kung hindi pinabawasan.
"Pero parang pumayat ka yata, Cline?" It was Tito Thom this time.
Umismid bigla si Kuya na nakatayo sa likod ni Mama. "She still eat like a pig, Tito. Yon nga lang ay hindi na healthy foods,"
Umirap ako sa kanya and mouthed. "Jerk."
"That's bad, Cline," Tita Sheen pouted.
Akward akong ngumiti at parang gusto 'ko ng umuwi. Kung dati ay gustong gusto 'kong laging nandito, ngayon ay hindi na. Hindi ko na kayang magtahan sa lugar na puro memories na kasama siya.
Kasi dati ay lagi akong nakadikit kay Tita kasi madalas na naiiwan ako dito kasi wala sina Mama at Papa dahil may work sila at si Kuya naman ay nakadorm dahil nasa All Boys School siya dati nagaaral.
Lagi niya akong pinapakain ng gulay at prutas. Hindi sjya papayag na hindi ako kakain ng marami at laging may chocolate mint ice cream pagkatapos kumain as a dessert. Paborito namin yon ni-
"Come here. Naku! You need to eat a lot starting now! Come here, here," Hinatak ako ni Tita paupo sa dinning table na may mga upuan.
Maraming pagkain na nakahain sa mesa para sa party na gaganapin mamaya. Not a big party but a simple dinner with their old friends at kasama na kami roon.
Kung ano anong pagkain ang nilagay ni Tita sa pinggan ko. Mapaulam hanggang sa mga side dishes at sobrang daming kanin! Pakiramdam 'ko ay huling hapunan 'ko na ito at bibitayin na bukas.
"Heto pa oh. And this one too! Niluto namin to ng Mama mo kaya for sure masarap 'yan!" Nilagyan ako ng inihaw na pakpak ng manok ni Tita.
Napatitig ako doon. I once loved this food. It was my favorite food. Ngayon ay hindi na ako kumakain niyan. Puro adobo o di kaya ay prito na lang ang kinakain 'ko. Baka kasi bigla akong mabulunan kapag kumain ako niyan.
"Naku, Tita. Hindi na po kumakain ng ganyan si Cline," sumabad nanaman ang magaling 'kong Kuya.
"Why?" Tita looked so shocked.
"I.. ahm," Nangapa ako ng isasagot.
"Maarte na Tita e. Nagdadalaga na kasi," Ngumisi si Kuya.
Hindi ko siya pinansin at tiningnan na lang ang mga pagkain sa harap 'ko. Natatakam ako. Gusto 'kong kainin lahat pero may pumipigil sa akin. Nagbago na kasi ako. Hindi na ako matakaw ngayon.
"Eat na," Ngumiti si Tita.
Ang akward na kumain habang may nanonood sayo pero gutom na talaga ako. Nakakagutom din lalo ang mga ulam sa pinggan 'ko. Mamaya 'ko na iisipin ang pride at hiya 'ko. Gutom na talaga ako.
"Oh, buti at gising ka na! Kain na, sabayan mo na si Cline," biglang sabi ni Tita habang nakatingin sa likod ko.
Parang alam 'ko na kung sino ang kausap niya dahil authomatikong nawalan ako ng ganang kumain at may naramdaman akong kasamaan mula sa likod ko.
The demon is here.
May naglakad sa likod 'ko at sumulpot ito sa tapat 'ko. Walang imik siyang naupo roon. Seryoso ang tabas ng muka nya na ikinairita ko agad dahil napaka common noon.
Umirap lang ako at yung choco mint ice cream ang kinain. Hindi 'ko pinansin ang tingin nila sa akin na para bang may iniintay silang gawin 'ko o sabihin. Napairap ako bigla.
What? Are they thinking that I would jump and greet him with a wide smile?
"Hindi mo ba siya i-we-welcome, Cline?" Si Kuya.
Umismid ako. "Bakit? Sino ba siya?"
×××