Chapter 6

1184 Words
Athena Shane Dominguez Agad akong lumabas ng banyo nang magring ang cellphone ko. Tanghali na nang ako'y magising hindi pa rin kasi ako sanay sumakay ng eroplano kaya may jetlag pa ako. Hindi kasi natuloy ang flight namin nong biyernes dahil nagkaroon ng urgent meeting si Papa. "Hello Papa?" ani ko habang nakaipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat ko. "Anak, nasa'n ka na? Nandito na ako sa restaurant. Papunta na rin dito ang Tito Marcus mo." ani ni Papa sa kabilang linya. "Papunta na po." Basta-basta ko na lang sinuot ang damit na nakuha ko sa maleta ko. Nakakahiya namang ma-late pa ako. "Okay anak, take your time. 'Wag ka ng pag-ayos ng todo. Maganda ka na. Mana ka sa'kin, e." "Si Papa talaga." "Naman ako kaya ang pinakagwapo sa amin ng Daddy Lorenzo at Tito Marcus mo." Minsan talaga sinusumpong ng kayabangan itong si Papa. Sana wala sa'min magmana nito. "Oo na Papa. Ikaw na ang pinakagwapo kong Papa sa balat ng lupa." "That's my girl. O siya, sige anak, kita na lang tayo rito." "See you later, Pa." Pagkatapos kong mag-ayos ay dali-dali akong bumaba ng hotel. Hindi ko pinansin ang tingin ng mga tao. Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng taong nagmamadali. Agad akong pumara ng taxi nang may dumaan sa harap ng hotel. "Good day! Miss, where are we going?" ani ng driver ng taxi na sinasakyan ko. Naku naman. Sa lahat ba naman na makalimutan kong itanong kay Papa 'yung pangalan pa ng restaurant ang nakalimutan ko. Kanina ko pa tinatawagan at tine-text si Papa hindi pa rin sumasagot. "Miss?" ani ng driver. Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang tumunog ang cellphone ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang may text si Papa. "To Fine-Dine Restaurant." Mabilis kong sagot sa driver. "Okay, Miss. Just fasten your seatbelt." -----***----- "Thank you." ani ko sa driver nang ibaba niya ako sa harap ng Fine-Dine Restaurant. Nahihiya akong pumasok nang makita mula sa labas ang mga taong kumain sa loob ng restaurant. Hindi naman kasi sinabi ni Papa kung anong klaseng restaurant ang pagkikitaan namin. Nakasuot lang ako ng black jeans at white plain V-neck shirt na tenernohan ng black doll shoes para lang akong maglalakad-lakad sa park tapos kakain ng street foods sa tabi-tabi. Kinuha ko cellphone ko nang tumawag na naman si Papa. "Nakikita na kita sa labas pumasok ka na rito. Nandito na ang Tito Marcus mo at ang fiancee mo." "Papa naman, e. Hindi mo sinabi na sa isang fine dine-in restaurant pala tayo magkikita. Nakakahiya tuloy itong outfit ko." "'Wag mo na lang silang pansinin. Halika na kanina ka pa namin hinihintay rito." Nagmamadali akong pumasok ng restaurant dahil ayoko maging center of attraction ng mga amerikanong nandito nang mabangga ako sa isang matigas na bagay. Hindi pala bagay. "Miss, I'm sorry. I didn't see you comin'." Fine! Ako na ang maliit. "Athena?" 'Yung boses na 'yun. Kahit maraming taon na ang dumaan hindi ko pa rin nalilimutan. Boses na magmamay-ari ng lalaking unang nagpatibok ng mabilis sa'king puso at ang lalaki ring unang bumasag nito. Dahan-dahan akong napatingala habang sapo-sapo ang noo kong tumama sa matipuno niyang katawan. God! Sa dinami ng makakasalubong ko rito sa Los Angeles bakit itong lalaking pa? "Long time no see. Kumusta ka na?" Hmm. Parang in good terms kami no'ng huli kaming nagkita. "Oh! Hi! Okay lang naman. Sige, mauna na ako late na kasi ako sa meeting ko." Hindi ko na siya hinintay pa nasumagot at dali-daling umalis sa harap niya. Sabihin na nilang bitter pa rin ako pero sana hindi na mag-cross muli ang mga landas namin. Napangiti ako nang makita ko si Papa na kumakaway sa'kin. Kahit kailan talaga itong si Papa hindi nahihiya. Kung nandito lang 'yung dalawa paniguradong pagsasabihan itong si Papa. "Papa naman nasa ibang bansa po tayo wala po tayo sa pilipinas." ani ko nang makalapit ako sa kanila. "Ayos lang 'yan. Siya nga pala, anak ang Ninong Marcus mo." Pakilala ni Papa sa kanyang kasama. "Magandang gabi po." "Kiganda-gandang bata. Manang-mana ka sa ama.mo." Napatikhim Papa at proud na proud sa narinig mula kay Ninong Marcus. "Sa tunay niyang ama." Biglang sumimangot si Papa sa patusada ni Ninong na ikinatawa naming dalawa. "Maupo ka na hija. Hintayin mo na natin 'yung anak ko. Nagbanyo lang 'yun saglit." ani ni Ninong. Naupo ako sa tabi ni Papa na nakasimangot pa rin. "Hija, anong pinagkakaabalahan mo ngayon? May negosyo ka ba o nagtatrabaho?" ani ni Ninong Marcus. Napatingin ako kay Papa at nagnod naman siya. Ibig sabihin sagutin ko ng totoo ang lahat ng tanong ni Ninong. Nasabi na sa'kin ni Papa at Hera 'to na matanong itong si Ninong pagdating sa mga taong makakasama o malalapit sa pamilya nila. "May negosyo po kami ng kaibigan ko at the same time po nagtatrabaho." "Anong klaseng negosyo?" "Restobar po. Since, mahilig po kaming kumain ng best friend ko at pareho po kaming nagtapos ng culinary." "Maganda ba ang takbo ng negosyo niyo? Mga ilang taon na?" "Magta-tatlong buwan pa lang po at ang masasagot ko sa tanong niyo kung maganda ba ang takbo ay dinadayo po kami." "I see. Rodrigo, magandang ang pagpapalaki mo rito kay Athena, a. Kung sa'kin siya napunta hindi ko alam kung ano na ginagawa ng batang 'to." Baling ni Ninong kay Papa. "E, hindi mo naman siya kinuha dahil sabi mo hindi pwedeng magkatuluyan ang magkapatid. Kasi kapag sa'yo napunta si Athena hindi sila pwede ni Patrick dahil magkapatid ang tingin ng mga tao sa kanila." ani ni Papa. Ano raw sabi ni Papa, Patrick? Patrick ba ang pangalan ng fiancee ko? Oh god! 'Wag naman sana 'yung Patrick na kilala ko, ex-boyfriend ko at Patrick nakabangga ko kanina ang tinutukoy nila. Marami namang Patrick sa mundo. Diba? "Did I miss something?" That voice. "Nand'yan ka na pala. Akala ko na-flush ka na sa inidoro. Maupo ka na rito." ani ni Ninong. "Sinagot ko lang 'yung tawag sa labas." Napapikit ako ng kumilos ang taong nasa likod ko at naupo sa harapan ko. "We meet again." Nakangiti niyang ani. "Magkakilala na kayo?" ani ni Ninong. "Magka-" Sumingit na ako baka ano pa ang masabi ng lalaking ito. "Nagkabanggaan po kami kanina sa labas, Ninong. Hindi ko po kasi siya nakita." "Akala ko pa naman magkakilala na kayo. 'Pag nagkataon ipapakasal na namin kayo agad. Guest like kailangan niyo pang magkakilanlan." ani ni Ninong. Mabuti na lang talaga sumingit ako kanina medyo made-delay pa ng kaunti ang kasal namin ng lalaking 'to. "Agree ako, kumpadre. Hayaan na muna natin silang magkakilala na dalawa." ani ni Papa. "Ayos lang ba sa inyo 'yun? O gusto niyong ipakasal na namin kayo agad." ani ni Ninong. "Ayos lang po sa'kin ang magkakilanlan po muna kami, Ninong. Diba? Diba?" Pinanglakihan ko siya mata. Grabe naman 'tong lalaking 'to hindi man lang kumikibo. Simula ng maupo siya sa harap ko nakatitig lang siya sa'kin at pangiti-ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD