22

1024 Words
Mukhang hindi niya na maiiwasan pa ang mga katanungan sa isip ni Lara. Tama si Lara at dumistansya nga siya pero hindi lang naman yun dahil kay Elton pero dahil din sa lihim niyang pag tingin kay Lara ng mga panahon na iyon. "There is something you don't know, Lara..." Pagsisimula niya. Matyaga namang nakikinig sa kanya si Lara. "Tama lang na hindi ka nakasal kay kuya.. Ayokong matulad ka sakin.. Ayokong makulong ka din sa pamilya namin.." Napaluha bigla si Dalhia na syang ipinag alala ni Lara. "Hey!" Lumapit ito saka siya niyakap. "Hindi normal ang pamilya namin, Lara.. At ayokong pati ikaw magdusa.." Mas naging malalim pa ang pagtataka ni Lara dahil sa hindi malinaw na sinasabi sa kanya ni Dalhia. Bumalik ang ilang gabing naging bangungot para kay Dalhia. FLASHBACK>>>> "Kuya? Anong ginagawa mo rito?" Kalagitnaan na ng gabi at umaga ng magising si Dalhia at mabigla ng makita ang masamang tingin sa kanya ni Elton habang nakahiga siya sa kanyang kama sa loob ng kwarto sa Mansion. "Stop flirting with, Lara.." Komento nito sa seryosong mukha. "What? At sino ka para utusan ako? Kuya kita pero labas kana sa buhay ko.." "Lara is mine..! Mine alone, Dalhia.." Nakaramdam ng matinding takot si Dalhia ng magsimulang humakbang si Elton palapit sa kanya. "You won't like it when I get mad, Dalhia.." Sambit nito. Nakahinga lang ng maluwag si Dalhia ng lumabas na si Elton ng kwarto niya. Buong akala ni Dalhia iyon na ang una at huling beses na makakaramdam siya ng takot sa presensya ng sariling kapatid. Sa kasamaang palad ay naulit pa yun. Habang natutulog siya naramdaman na lang niya ang pagtakip sa kanya ng unan. Habol ang hiningang nanlaban siya pero malakas si Elton. Kahit anong piglas ay wala siyang naging laban. Akala niya mamamatay na siya ng mga oras na yun pero isang malinaw na indikasyon na kaya siyang saktan ni Elton sa oras na hindi siya lumayo kay Lara. Takot si Dalhia na nagsumbong sa mga magulang nila pero naging matindi ang takot na dinadala niya sa naging sagot sa kanya ng mga ito. "Stop talking non sense, Dalhia.." Mariing hayag ng mommy niya. "Itikom mo yan bibig mo at wag mong galitin ang kuya mo.. Hindi naman yun magkakaganun kung hindi ka pasaway na bata ka!" Nasabi naman ng daddy niya. Simula nun mag isang dinala ni Dalhia ang takot na naramdaman sa kanyang kapatid. END OF FLASHBACK>>> "Wala namang perfect na pamilya, Dalhia but don't worry kahit wala na kami ng kuya mo magkikita pa din tayo.." Hinayaan na lang niya si Lara at piniling wag ng ipaalam rito ang masalimuot niyang karanasan sa kamay ng sariling kapatid. Pati na ang pagsasa walang bahala ng mga magulang nila. "Promise me one thing, Lara..." Muli niyang pagsasalita. "What is it?" "Don't you ever go back to kuya, please.." Walang salitang tumango si Lara. MATAPOS nilang makapag dinner ay umalis na din si Dalhia. Isang panganib pala ang nag hihintay kay Dalhia. KINABUKASAN balik trabaho si Lara. "Okay ka lang ba?!" Napasulyap siya kay Krizzy. "Sobrang, okay, Krizzy. Para akong nakahinga ng maluwag after all that happened. I guess I made the right decision. .." Payak ang ngiting ginawad niya kay Krizzy. "What about EL? Are you not going to talk to her?" Sandali siyang natahimik. Naglaro sa isip niya si EL. Hindi niya maikakailang kailangan nga nilang mag usap. "Soon, Krizzy.. Ikaw? Kamusta kayo ni Enzo?" Naitago naman ni Krizzy ang mukha sa kaibigan. "Wala na kami.." Tila naputol ang dila niya at niyakap na lang si Krizzy. "Ang sakit, Lara.. Hindi ko alam kung anong mas masakit.. Ang pangangaliwa ba niya o ang sampal sa mukha kong ipinagpalit niya ako sa isang lalaki at hindi babae. Talaga ngang wala sa akin ang hanap niya.." Mabigat ang kalooban niyang hayag. "Walang kulang sayo, krizzy kung yun ang iniisip mo. Love is love.." Paliwanag niya kasunod ang pagharap rito. "I don't know how to say this, Krizzy pero iniisip mo ba na.. Yung bagay na yun ang hanap ko kaya kami naghiwalay ni Elton? Alam mo kung gaano ko kamahal si Elton diba?." Naintindihan naman ni Krizzy ang nais ipahiwatig ni Lara. "Do you still love Elton?" Sunod na usisa ni Krizzy—Natuon ang mga nangungusap na mata nito. Saglit naman siyang nag isip at hinanap ang tamang salita sa tanong ni Krizzy. "Matagal ng wala yung love, Krizzy. Just recently naging malinaw sa akin yun. Nasanay na lang pala ako sa tagal naming dalawa. Ganun pala yun minsan akala natin in love pa din tayo kaya tayo nag sstay.. Pero ang totoo.. We are just afraid to accept na yung minsang naramdaman mong parang wala ng katapusan at tingin mo magical ay bigla na lang maglalaho na parang bula.." "Tingin mo magiging okay pa ako??" Sabay buntong hininga ni Krizzy. "Wala naman permanente, Krizzy.." Sunod ang paghaplos niya sa kamay ng kaibigan. "Alam mo bang nawalan ng trabaho si EL?" "Huh?! Bakit? Magaling siyang architect.." Sumilay agad ang pag aalala kay Lara. Nagkibit balikat lang naman si Krizzy patungkol don. "At ang sabi ni Alyah kahit saan daw mag apply si EL walang tumatanggap sa kanya. Alam mo yun marinig o malaman pa lang daw ung pangalan niya parang... Para daw siyang may sakit na iniiwasan ng lahat ng kumpanyang puntahan niya. " NANG matapos si Lara ay agad niyang tinungo ang bahay ni EL. Sa pagdating niya roon si Deena naman ang nakaharap niya. "What are you doing here?" Masama agad ang bungad sa kanya ni Deena. "Gusto ko lang makausap si EL, Deena.." Sagot niya sa pag asang pagbibigyan siya nito. Simula kasi ng mawala yung phone niya nawalan na din siya ng way para matawagan o maabot si EL. "Ano pang pag uusapan niyo? Umalis ka na. Baka ikaw pa ang may dala ng malas sa buhay nya ei..." Makahulugang saad nito. Hindi naman iyon ikinatuwa ni Lara kaya hinawi si Deena sa kanyang daraanan at walang atubiling pumasok ng gate. "Aw! Siraulo ka ah!" Bulyaw ni Deena kasabay ang pag ayos ng tayo mula sa pagkakabangga sa haligi ng gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD