Ilang araw muli ang lumipas nang naging maging puspusan ang aming pagsasanay sa loob ng training room. Halos dito na nga kami kumakain at natutulog . Lumalabas na lang kami kapag kailangan maligo o mag-cr. Kaya hindi na nakakapagtaka na malaki ang pinagbago ng mga kaibigan ko sa kanilang paggamit sa mahika at pakikipagbuno na pakikipaglaban. Kasama sa kapuri-puri ang naging pagbabago ay walang iba kundi si Erret. Iyon nga lang tuwing gumagamit siya ng kanyang mahika ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pangingilabot. At kapag rin malapit si Erret sa akin ay hindi magawang ibaba ni Zios ang kanyang depensa. Hindi naman minamasama ito ng binatilyo dahil ito ang nature ng aking mahika. Ang protektahan ako sa mga mahikang makakasakit sa akin. "Ack!" nasaktang bulalas ko ng madaplisan sa tag

