JHE POV "Jhe, ikaw daw ang isa sa maglilinis ng Cr!" Napalingon naman ako dahil sa pahayag na iyon ng aming president. Kalalapag ko pa lang ng bag ko, trabaho na agad ang nag iintay sa akin. Dahil wala namang pagpipilian kaya tumango na lamang ako at nagtungo sa banyo upang maglinis. Ganito talaga ang karaniwang tagpo sa mga pampublikong paaralan, wala naman kasi kaming janitor na nagmi- maintain ng mga palikuran dito. Kaya ang mga estudyante na ang nagsasariling sikap. Habang abala ang katawan ko sa pagmo-mop ng naninilaw na sahig nitong Cr ay kasabay rin noong abala ang aking utak sa pag iisip ng mga naganap kahapon lamang. Matapos naming mag usap ni Dude ay hindi na rin kami nagtagal doon sapagkat nalaman kong kababalik lamang pala niya dito sa bansa at imbis na dumeretso pauwi sa

