Caleb's POV "Babe, ito nalang kaya ang piliin mo? Parang masyado namang dark 'yan." Malambing na sabi ni Kelly. Wala ako sa sarili habang namimili ulit ng kulay. Nag-aalala ako kay Clara dahil hindi pa ito umuuwi. Sabi niya maglalakad-lakad lang siya pero gabi na't wala pa rin ito. Delikado pa naman sa daan. Saan na naman kaya nagpunta ang babaeng 'yun? Napakatigas kasi ng ulo ayaw magpasama sa amin ni Kelly. Baka tumawag si Tita siguradong lagot na naman ako dun. "This one? Do you want this?" "Sige, 'yan nalang. Wait, may kumakatok babe. Baka si Clara na 'yan." Sabay kaming tumayo ni Kelly. Malalagot talaga sa'kin ang babaeng ito. Pagbukas ng pinto, nakita namin si Clara na punong-puno ng luha ang mata. Mukhang kanina pa ito umiiyak dahil magang-maga na rin ang mga mata niya. "C

