Clara's POV Mahimbing na natutulog si Nate sa tabi ko. Hindi ko maiwasang kiligin dahil sa wakas ay katabi ko na ulit siya. Kasalukuyan siyang nakatalikod sa'kin. Gusto ko siyang mayakap kaya nag-isip ako ng paraan upang mapaharap siya. Alam ko na! Kunwari binabangungut ako tapos syempre gigisingin niya ako tapos yayakapin ko siya tapos yayakapin din niya ako. Yes! Talino ko talaga. Nangingiti ako habang iniisip ang aking plano. "Uhm... Uhh... 'Wag mo akong hawakan." Pag-iinarte ko. Naramdaman ko naman agad ang presensiya niya. "s**t! Wake up, Clara." Niyugyug niya ang aking balikat. "Clara, wake up." Nang hindi ako nagising ay humawak siya sa mukha ko. Ito na ba ang hinihintay ko? Ang mahalikan ulit ang matatamis niyang mga labi?! Agad naman akong naexcite. "Clara!" "Mommy." Sh

