Kilala ang pamilya ni Mister Amaro Ford at Mrs. Danica Ford dahil sa dami ng business nila na talaga namang sobrang successful. Pero sa kabila ng mga tagumpay na natatamo nila, may isang bagay silang pinakahihiling na kailanman ay hindi kayang bilhin ng pera.
Ang magkaroon ng anak.
Pitong taon na silang nagsasama bilang mag-asawa ngunit ni minsan ay hindi sila biniyayaan ng kahit isa manlang anak. Pero dahil sa malakas na pananampalataya nila, hindi sila nawawalan ng pag-asa.
Kilala sila na mabait at mapagbigay sa mga tao, lalo na sa mga empleyado nila. Kaya talaga namang patuloy ang tagumpay ay paglago ng negosyo nila dahil narin sa kabaitan at galing nilang makisama.
Isang gabi habang pagod sa trabaho. Kinausap ni Danica ay kanyang asawa.
Danica's POV
Nakikita ko na naman ang pagod sa mata ng aking workaholic na asawa kaya lumapit ako sa kanya at iniabot ang kape na pinapatimpla niya.
"Eto na ung kape mo oh. Kamusta sa work?"
"Maayos naman mahal ko, nakakapagod pero so far all is well naman." Sagot niya.
"Mabuti naman kung ganun Amaro, masaya ako na kahit papano eh lumalago at hindi nalulugi ang business natin. Salamat talaga sa Diyos. Pero kailan kaya tayo mapapagbigyan sa pinakahihiling natin?" Sambit ko, tumutukoy sa matagal ng hiling namin na magkaanak.
Nakita ko ang pagkalungkot sa kanyang mukha.
"Basta wag lang tayo mawawalan ng pag-asa, wag tayong mapapagod na ipagdasal ito dahil naniniwala ako na ibibigay ito sa atin sa tamang panahon." Sagot niya.
"Sana nga mahal ko, sana nga."
Kinaumagahan
Maagang nagising ang mag-asawa upang makapaghanda sa panibagong araw. Si Mister Amaro muna ang pumapasok sa trabaho dahil advice ng doktor na magstay muna sa bahay ang Misis para hindi ito mastress at madali ang pagbubuntis. Habang nagluluto ng umagahan si Danica, nakaramdam siya ng pagkahilo na para bang nasusuka siya.
Kumaripas siya ng takbo sa banyo dahil pakiramdam niya ay naduduwal siya. Bagay na hindi kinakaba bagkus ay ikinatuwa ng Misis dahil nag-assume siya na baka eto na ang pinakahihintay nila, na baka buntis na nga siya. Dali-dali siyang nag-ayos at pumunta sa asawa para ipaalam ang nangyari.
Amaro's POV
Pagkadilat ko sa mga mata ko, nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa bintana dito sa kwarto. Tumingin ako sa tabi ko at as usual wala na dito ang asawa ko, maaga kasing bumabangon yun para ipaghanda ako ng almusal ko. Sinabihan ko nga na maid nalang ang gagawa nun pero masaya daw siya na pagsilbihan ako.
Naantala ang aking pag-iisip ng may narinig ako na mga yapak sa hagdanan namin, tila ba nagmamadali ito na umakyat at makarating sa pinaroroonan ako. Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang asawa ko na parang nagmamadali.
"Bakit anong problema?" mabilis kong tanong.
"Omg, Amaro mahal ko, pakiramdam ko ay buntis ako." Excited na sambit niya.
"Ha? Bakit? Nag pregnancy test ka ba na hindi ko alam?"
"Hindi pero habang nagluluto ako doon, bigla akong nahilo at pakiramdam ko naduduwal ako." Nasisiyahang sagot niya.
"Talaga mahal? Para makasigurado tayo, try mo kaya mag PT, dali."
Inabot ko sakanya ang pregnancy test na nasa drawer namin. Binigyan ko siya ng dalawang magkaibang brand para sigurado talaga. Agad naman niya itong kinuha at dali-daling nagpunta sa banyo dito sa kwarto namin.
Pagkalipas ng ilang minuto, narinig ko ang asawa ko na sumigaw.
"Ahhhhh! Mahal ko!!"
"Bakit?" daliang tugon ko.
Nagmamadali siyang lumabas sa banyo at yumakap sa akin.
"Positive mahal, buntis ako. Magkakaanak na tayo"
"Talaga? Patingin?"
Inabot niya sa akin ang dalawang pregnancy test na parehong may dalawan guhit, oo nga buntis nga ang asawa ko.
"Hala mahal, hindi ako makapaniwala. Wag ka na muna pumunta sa office ngayon, magpacheck up muna tayo sa doktor natin para makasigurado." Pakikiusap niya sa akin.
"Oo naman misis ko, sasamahan kita. Kaya halika na, baba na tayo at mabreakfast para makapaghanda na tayo para sa check up mo."
Masayang bumaba at kumain ng umagahan ang mag-asawa. Pagkatapos nila mag-almusal ay dali-dali silang nagbihis para makapunta sa clinic ng kanilang Doktor.
Danica's POV
Excited at kinakabahan ako habang tinatahak namin ang daan papunta sa Doktor namin. Matagal namin hinintay ito, sana ibigay na talaga ni God sa amin.
"Dito na tayo mahal" sambit ng asawa ko.
Nagmadali ngunit maingat akong bumaba at sabay kaming pumasok sa clinic na sadya namin.
"Magandang umaga, Doktora." bati namin ng asawa ko.
"Oh, Mr. and Mrs. Ford, napadalaw kayo?"
"Oo dok, kaninang umaga kasi nahilo at naduduwal ako kaya pinag pregnancy test ako ng asawa ko, nagpositive ito Dok kaya gusto sana namin makasigurado." sagot ko.
"Hala mabuting balita yan. Sige maupo ka muna jan Mr. Ford at Mrs. Ford pasok ka na para masimulan ko na ang mga test sa'yo."
"Salamat dok." Sagot ni Amaro.
Agad akong pumasok sa silid kung saan gagawin ang mga tests upang malaman kung may bata na nga sa sinapupunan ko.
"Mahiga ka, Danica." sabi ni Doktora.
"Magandang balita ito sapagka't matagal niyo na itong hinihintay."
"Oo nga dok, sana ito na talaga."
Mga ilang minuto din siyang may ginagawa sa tiyan ko at di nagtagal ay nagsalita siya.
"Gusto mo bang tawagin ang asawa mo dito sa loob at sabay kayo na makaalam kung ano ang results ng mga tests ko sa'yo?"
"Oo naman dok. Amaro, pasok ka na dito" tawag ko sa asawa ko.
Pumasok naman ang asawa ko. Tatlo na kami ngayon dito sa kwarto. Medyo kinakabahan parin ako sa resulta. Ngumisi at nagsalita si Doktora.
"Congratulations, Mister at Misis, positive po, meron nga pong heartbeat akong nakita at opo, buntis ka po Misis". nasisiyahang sabi ni Doktora.
Agad akong nasiyahan at agad akong niyakap ng aking asawa.
"Salamat, Lord!" sabay naming sambit.
"Misis, maselan ang pagbubuntis mo kaya napakaimportante na bawasan mo ang mastress at mapagod ha." advice ni Doktora.
"Opo dok, maraming salamat po" sagot ko.
Umuwi kaming mag-asawa na may galak sa puso. Iba talaga pag si God ang kakampi mo, pag kay God lahat ng tiwala mo, hindi ka talaga niya papabayaan. When the time is right, He will really make it happen.
Siyam na buwan ang lumipas
Amaro's POV
Nandito ako ngayon sa bahay kasama ang asawa ko, noong kabuwanan na niya hindi na ako pumapasok sa office kasi gusto ko kasama ko siya kung sakaling ipapanganak na niya ang anak namin. Nagbabasa ako ng dyaryo dito sa sala ng may narinig ako na sumisigaw galing sa kwarto namin kung saan nagpapahinga ang asawa ko.
"Amaro!! Manganganak na yata ako!!!!" sigaw niya.
Agad akong tumayo at tinawag ang mga maid na ilagay lahat ng mga gamit sa kotse at tumakbo ako papunta sa asawa ko.
Mabilis ngunit maingat akong nagmaneho papunta sa malapit na Hospital.
"Bilisan mo Amaro, ang sakit na. Ahhh" sigaw ni Danica.
Di nagtagal ay nakarating rin kami sa Hospital at agad na inasikaso ng mga Nars at Doktor ang asawa ko.
Kinakabahan na excited ako dito sa labas.
Pagkalipas ng ilang oras tinawag na ako sa loob.
Pagkapasok ko nakita ko ang asawa ko na may hawak na sanggol. Napakaganda. Iyon na nga ang matagal na naming hinihintay na biyaya. Mahal na mahal ko na siya kahit diko pa siya hinahawakan. Sigurado ako na gagawin ko na lahat para sa prinsesa kong ito. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko dahil sa labis na tuwa.
"Lumapit ka mahal, lapitan mo kami ng anak mo. Halika." ani Danica.
Lumapit ako at agad kong kinarga ang nag-iisang prinsesa ko.
"Hello, Amanda. Ako si Daddy." sambit ko sa sanggol na hawak ko at agad kong nasilayan ang ngiti sa kanyang labi.
Naluluha ang aking mga mata ngunit dahil ito sa aking labis na tuwa, eto na, nandito na, hawak ko na, si Amanda, ang aking Unica Hija.