Twenty Eight QUIRA Gumapang ang kirot sa aking katawan nang subukan kong ibangon ang aking sarili mula sa hindi pamilyar na kama. Nanlalabo pa ang aking paningin at ang aking kalamnan ay nanlalambot pa dahil sa kagat ni Callus. "Damn you, Cal." I cursed under my breath. Kung mababang uring Lycan lang ang kumagat sa akin, siguradong hindi ko iindahin ang sakit. But Callus Grivence is an Alpha. In fact his bloodline is still considered one of the strongests that's why many packs are terrified with him and Claivan. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata, pilit pinapalinaw ang aking paningin. Humahalimuyak ang amoy ng bulaklak sa silid, at tumatagos mula sa nakabukas na bintana ang malamig na simoy ng hangin. My eyes looked outside the room painted with shades of blue. Napakadilim na at puma

