TWENTY THREE Quira Humalik ang malamig na simoy ng hangin sa aking pisngi nang tuluyan kong naitapak ang aking mga paa sa labas ng bahay. Malalim na ang gabi ngunit hindi ko magawang matulog. Tila masyadong gising ang diwa ko dala ng mga bagay na ayaw ko na sanang isipin, ngunit patuloy na ginugulo ang isipan ko. Sa tulong ng liwanag ng buwang nagbibigay ng kaluwalhatian sa lahat ng bagay na natatamaan nito, tinahak ko ang daan patungo sa lawa. Nadidinig ang aking bawat hakbang sa mga tuyong dahon ngunit alam kong wala nang magtatangkang silipin o istorbohin pa ako. All of my people know that this time of the day is mine. I need my solitude. I need my peace. Kahit ilang oras lamang. Everyone respects that...but of course, there's always someone who won't let me be alone...especially du

