Chapter Fifteen

1767 Words
(Sunny) Kasalukuyang nasa terminal na kami ngayon habang naghihintay sa bagong bus na dadating. I was looking at Pearl with envy in my eyes. Dalagang dalaga na kasi ito sa suot niyang maong na skirt at floral na sleeveless top na kulay fuschia pink. Samantalang ako maluwag na t shirt at kulay itim na three quarter pants pa rin ang suot-suot. I asked my mom to buy me a dress kaya lang lagi itong busy kaya laging postponed ang balak naming pagsho-shopping. "Himala yatang hindi ka nakadikit ngayon sa bff mo." puna ni Ricky na nagpagising sa lumilipad kung diwa. Ngumuso ito sa kinaroroonan nina Kye at Elton na automatico namang sumunod ang mata ko. "Oo nga, nag-away ba kayo?" sabat naman ni Pearl. Lumapit ito nang kunti at umakbay sa akin. "Hindi 'no!" tanggi ko at napatingin sa kinaroroonan ni Kye na ngayon ay may kausap na sa cellphone. Malamang na si Tita Fe ang kausap. Currently kasi naging busy na ito sa bagong bukas niyang clinic. Napabuga ako ng hangin. I was glad kasi balik trabaho na ulit si Tita and a bit sad dahil wala ng tagaluto sa aming dalawa. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iisip kung paano na kaming dalawa ngayon dahil tila pareho na kaming mawawalan ng nanay nang biglang may sumagi na namang tanong sa aking isipan. Bakit biglang na conscious na lang ako sa nangyari? Ilang beses ko rin naman siyang nakitang nakahubad ng pang-itaas niya na suot. Noong mga bata pa nga kami madalas din kaming magkasabay maligo noon sa banyo nila. Bakit ngayon parang nag-iiba na ang lahat? Epekto ba iyon dahil may gusto ako sa kanya? "Halika na sissy, nasa harap mo na ang bus oh!" kalabit sa akin ni Ricky. Nauna na palang naka-akyat si Pearl. Gusto kasi non nasa malapit siya sa bintana kaya siguro nauna ng umakyat para makahanap ng pwesto. Biglang napadikit ang kilay ko. Ang selfish! Gusto ko rin naman maupo malapit sa bintana. Well, iisang tao lang naman ang nakaka-alam 'non. " Oo na...heto na nga eh!" sagot ko at sumunod na rin sa likuran ni Ricky. Nahanap ko naman kaagad si Pearl na ngayon ay naka-pwesto na nga malapit sa bintana. Si Elton naman ang katabi nito. "Dito ka na lang kay Kye tumabi sissy, ako na lang dito sa likod." suggestion ni Ricky. Tinuro nito ang bakanteng pwesto na katabi ni Kye. Tiningnan ko naman siya ng makahulugan ngunit tila hindi niya na gets. "Alam ko kasing matutulog ka mamaya. Ang bigat kaya ng ulo mo! Hindi kaya ng sexy kung balikat," tila nang-iinis niyang sabi at pumuwesto na sa likod. Sadyang nilagyan niya pa ng kanyang bag ang bakanteng upuan na katabi niya para di ko na siya masundan. Haizz! Mukhang wala naman akong magagawa kaya naupo na lang ako sa tabi ni Kye. As usual may nakasaksak na namang earphones ang tenga nito at nasa labas lang ang paningin. Isa din sa napapansin ko sa kanya.Habang lumalaki kami, unti-unti din siyang nagbabago. Hindi na siya iyong Kye na laging mabunganga at kasa-kasama ko palagi na manood ng cartoons or anime. Ngayon puro na lang libro ang nasa kamay niya. Hindi mo na rin siya masabihan ng kung ano-ano dahil parang ang dami-dami din nitong iniisip. Walang sabi-sabi na kinuha ko ang nakasaksak na earphones sa kabilang tenga niya at inilipat iyon sa akin. Alam kung nagulat siya sa ginawa ko pero alam kung hindi na iyon bago sa kanya. Sabi nga nila 'Don't let your friend be alone,so disturb them until they feel annoyed.' "Hindi ko na-charge ang MP3 ko kaya paki-share na lang ng music mo," nakangiti kung sabi ng tumingin siya sa akin. Nagulat ako sa biglaan niyang pagtayo. "OMG! Galit ba siya sa ginawa ko?" pipi kung tanong sa aking isipan. "Palit tayo ng pwesto. Alam kung kanina mo pa 'yan gustong sabihin." seryoso niyang sabi. Kaagad ko namang tinikom ang naka-nganga kung labi at tumalima na pwesto niya. Halata ba sa pagmumukha ko na gusto ko din ang pwesto na malapit sa bintana? Nginitian ko na lang siya ng malapad ng magkatinginana kami at mahinang kurot sa ilong lang ang tangi niyang sagot doon. He might change a lot but not his caring attitude towards me. Maya-maya lang kunti naramdaman na namin ang pag-alis ng bus sa terminal. Mahigit dalawang oras na lang ang hihintayin namin at makikita na namin ulit ang dalawang matanda. Sana naman matuwa sila kapag nakita nila kaming lima. "Can I borrow your shoulder later?" nakangiti kung paki-usap sa kanya dahil tila inaantok na rin ako. "Nope!" mabilis niyang tugon na walang ka ngiti-ngiti sa kanyang labi. Napasimangot na lang tuloy ako. He really change a lot! He seems like a cold hearted person now. Binabawi ko na ang sinabi kung caring siya sa tao. "And why?" mataray kung usisa sa kanya sa sobrang inis. "Mabigat ang ulo mo according to Ricky." he instantly said and showed his sarcastic smirk. There,mukhang nagkaroon na ng ekspresyon ang mukha niya. Nakangiti nga ngunit hindi naman wholesome kundi may halong pang-iinis. I sneered. "Okey!" malakas ang loob na sabi ko. Ibinaling ko na ang aking mga mata sa labas. A moment later. . . . "Sissy! Gising na," boses ni Ricky habang niyuyugyog ang balikat ko. Dahan-dahan ko namang minulat ang mga mata ko at tumingin sa labas. ? ? "Nandito na tayo?" nagpapanic kung sabi at mabilis ng tumayo. "Teka! Nasaan na ang bag ko? Hala! May nagnakaw sa bag ko!" nagsisigaw kung sabi. Narinig at nakita kung nagbubulungan ang ibang mga pasahero pero wala akong pake dahil nawawala ang bag ko. " Hoy, eskandalosa!" ani ni Ricky sabay batok nito sa akin. "Nandoon na kay Kye ang bag." pinandilatan ako nito ng mata. " Pasensya na po," hinging paumanhin ko sa mga pasaherong nandoon. " Nakakahiya ka!" ani pa ni Ricky bago tuluyang bumaba. Nakayukong sumunod naman ako. " Thank you po," pasalamat ni Ricky sa konduktor na nandoon bago nito tuluyang sinara ang pintuan ng bus. "Ano iyon? Kinuha niya ang bag ko pero hindi niya man lang ako ginising?" pagmamaktol ko nang maka-alis na ang sinakyan naming bus. "Kanina ka pa kaya niya ginigising." giit ni Ricky. "Ewan ko sa'yo,tulog mantika ka kasi! Tsk! Halika na nga." Nauna na itong humakbang kaya sumunod na lang ako. Tinungo ko ang kinaroroonan ni Kye at kaagad naman nitong ibinigay sa akin ang bag ko. Ni hindi na nga niya ako hinintay na mag-thank you dahil kaagad na akong tinalikuran. Moody na naman yata! "Okay! Let's go na guys!" sigaw ni Pearl matapos makitang kompleto na kami. Meron pa kasi kaming 15 minutes na lalakarin na daan papasok sa kinaroroonan ng bahay ng dalawang matanda. Nauna ng naglalakad si Elton, kasabay nito si Pearl at nakasunod naman si Ricky na pa kembot-kembot pa ito habang naglalakad. Tsssh! Sa unahan ko naman si Kye at ako ang nasa huli. Hindi naman masyadong mainit ang panahon pero pakiramdam ko nanghihina na ang tuhod ko. "Can you walk a little bit faster?" masungit niyang sabi sa akin ng lingunin niya ako. Napansin siguro nitong malayo na ang agwat naming dalawa. "Nauuhaw na ako," biglang ingos ko. Totoo naman kasi na nauuhaw na talaga ako. Saglit muna kaming huminto na dalawa. Napatingin ito sa bote ng mineral water sa gilid ng bag niya. Mukhang nagdadalawang isip ito na ibigay sa akin dahil nainuman na niya. Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik pa at kinuha iyon sa gilid ng bag niya.No choice, uhaw eh! "Teka!" pigil niya sa kamay ko at napa-maang ko siyang tiningnan. After a second, binitawan niya din ang kamay ko. "Go ahead," aniya. Mabilis ko namang tinungga ang lahat ng laman ng bote at kahit isang patak ay wala talaga akong pinalampas. "Thank you ha!" nakangiti kung sabi sabay abot sa kanya ng bote na wala ng laman. Tiningnan niya ako ng masama kaya kaagad din na napawi ang malapad na pagkakangiti ko sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa bote na binabalik ko sa kanya. "OMG!" bigla akong napahawak sa bibig ko. "Iinom ka din sana? Sorry, naubos ko na eh," nahihiya kung sabi. "Stupid!" mahina niyang sabi saka napa-iling at tumalikod na. Naiwan naman akong naka-nganga. Galit ba siya dahil inubos ko ang tubig niya? The heck! Ang babaw naman. "Bilisan mo na kaya dahil nahuhuli ka na!" masungit niya pa rin sigaw na nagpagising sa diwa ko. "Heto na nga eh!" sagot ko. Kaagad naman akong tumakbo para humabol sa kanila. "Anong nangyari?" nag-alalang tanong ni Pearl sabay nguso kay Kye na ngayon ay lumagpas na sa kanila. Napansin siguro nito ang ekspresyon sa mukha ni Kye. "Ewan ko," kibit balikat kung sagot. "Mukhang nagalit dahil inubos ko ang tubig niya." "Ganoon ka babaw?" Nagdikit ang kilay na sabi nito. "Siguro! Bigla na lang kasing nagalit pagkabalik ko ng bote sa kanya." "Eh, tanga ka pala eh!" biglang sabat ni Ricky. Sinamahan pa ng mahinang batok sa ulo ko. Naningkit naman ang mata ni Pearl sa nakita kaya ginantihan niya din si Ricky ng malakas na hampas sa braso nito. "Anong tanga-tanga ang pinagsasabi mo diyan sa bunso natin?" pagalit na tanong sa kanya ni Pearl. "Teka nga, ang sa akin mahina lang. Bakit sa'yo totohanan na?" medyo naiinis na rin na reklamo ni Ricky. Ina-apuhap pa rin nito ang bahaging hinampas ni Pearl. "Ganito kasi iyon sissy," nakangiting tumingin ito sa akin at inirapan naman si Pearl. "Pina-inom ka na nga kasi tapos binalik mo pa ang bote na basura na. Ano iyon? Alalay mo ba si Kye? Abay! Abusado ka na ah!" "Ah,ganoon ba iyon?" inosente kung sabi at napa-isip. "Bakit kaya hindi ko ulit iyon na gets?" Sabay naman silang napahinga ng malalim at nauna ng maglakad. Ni hindi na nga nila ako inabalang tingnan kung nakasunod ba ako o hindi. "Ganoon na ba kahina ang ulo niya?" pabulong na tanong ni Ricky na nadidinig ko naman. Upakan ko kaya ang baklang iyan. "Hindi naman ganun ka hina ang utak niya. Mabagal lang talaga siyang magbasa ng utak ng tao," paliwanag naman sa kanya ni Pearl. Mabuti na lang pala magkaiba mag-isip si Ricky at Pearl. Binilisan ko na lang ang paghakbang na ginawa ko para maabutan sila. Sa awa ni Lord naabutan ko naman. "Hello! Nasa likod 'nyo lang po ako baka nakakalimot na kayo?" hinihingal kung sabi. Hindi naman umimik ang dalawa at sabay pang nagtakbuhan na tila mas lalo akong iniinis. Nasa hulihan na naman ako at ang nang-aasar nilang tawa ang naririnig ko. I hate them! Madapa sana kayong apat! ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD