(Sunny) October 14, 2008 Ngayong araw na ang announcement kung sino ang nagwagi bilang Ms. and Mr. Popular ng Values Club Association. Everyone was gathered around the gym. Nakalinya kaming lahat base sa aming year level. Sampung estudyante sa bawat linya. Napatingin ako kay Mia and she seems not happy about it. Nasa likuran nito ang dalawang galamay niya na sina Devorah at Shelly na mukhang bago ang suot na mga headbands. "Good morning everyone," paunang bati ni Alexa. "Today, I'm going to announce who are the lucky winners to be crowned this year as Mr. and Ms. Popular 2008." binigyan namin siya ng masigabong palakpakan. "Excited na ba ang lahat!" buong sigla na sigaw nito. Naghiyawan naman ang lahat maliban sa mga taong hindi gusto ang kaganapan ngayon. May dinukot itong papel sa bu

