Hawak-hawak niya ang kamay ng dalaga habang nasa biyahe sila pauwi sa apartment nito. Pareho silang tahimik. "Uhm,Sorry kanina.." maya-maya untag ng dalaga sa gitna ng katahimikan. Sinulyapan niya ito. Apologetic ito nakangiti sa kanya. Alam niya kung ano ang hinihingi nito ng sorry. Bumuga siya ng hininga. Dinala niya sa kanya bibig ang magkasalikop nilang kamay at pinatakan niya ng halik ang likod ng palad nito. "It's alright,baby.." usal niya habang nakadantay pa rin sa bibig niya ang kamay nito. Nangangamba lang siya sa inaasta nito. Pakiramdam niya didistansya ito sa kanya ng hindi niya namamalayan. Hindi niya papayagan mangyari yun. Malambing na niyakap niya ang kasintahan sa likuran nito habang binubuksan nito ang pintuan ng apartment nito. Napasinghap ito ng halikan niya a

