Hindi na mawala-wala sa isipan niya ang nangyari kanina sa dalampasigan. Naging mailap ang antok sa kanya at paulit-ulit nagrireplay sa isip niya ang pagpalit ng anyo ni Dwayne bilang isang lobo. Isang malaking lobo. Nakakamanghang nilalang. Napakaganda ng makapal na balahibo nito. Kasing dilim ng gabi. Bigla nag-init ang mukha niya ng sumulpot sa isip niya ang pagbalik ng anyong tao ng binata. Ang pagdikit ng katawan nila habang wala ito ni anong saplot sa katawan. Napasubsob siya sa unan ng pigilan niya isipin muli ang eksena na kung saan maramdaman niya ang malaki at matigas na bagay sa ibabang bahagi nila. Impit siya napatili sa unan. May kasamang kilabot yun. Kilabot na nagpapataas ng kanya balahibo. Mapasahanggang ngayon nararamdaman pa rin niya ang bagay na yun sa puson niya.

