Matiim ang kanya mga mata na nakatingin sa babaeng na tahimik na nakaupo sa harapan niya. Prenteng-prente ito nakaupo sa single sofa. Napangisi siya ng palihim. Hindi siya makapaniwala na ito pala ang babaeng sinasabi ng pinsan niyang si Jamiel. Ang hindi kinamamangha pa niya halos may pagkakapareho ito sa kanyang Mama Debbie. Kapangalan na nga ng mama niya kaugali pa nito ang babaeng kinakakatakutan niya. And Damn,ito din ang babaeng itinakda sa kanya. Ano? Ganun ba siya kasamang lalaki at iniuugnay siya sa mga babaeng na kaya siya pagtiklupin. "Ano? Magtitinginan na lang ba tayo dito?" pukaw nito sa kanya. Natawa siya ng mahina sa sinabi nito. Nakataas naman ang isang kilay nito sa kanya. "Natural ba yang kulay ng buhok mo?" nakangisi niya usisa. Bumuga ito ng hangin at patamad n

