HFL2: TWO

517 Words
Abot-abot ang nerbiyos niya. Para siya isasalang sa mga bibitayin ng mga oras iyun. Kahit na lalaki siya kahit papaano may kinatakatukan pa rin siya. Ang kanya ina. Marahas siya napabuga ng hangin. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng kanya ina sa kanya sa nagawa niya kasalanan. Tinubos siya ng kanya ama na isang kilala at highest paid private investigator sa police station. Nasangkot sila ng kanya pinsan na si Vladimir sa isang rambulan na nangyari sa isang bar. Nag-aalala tuloy siya kung ano na nangyari kay Vladimir. Nang makita niya ang kanya Tita Veron hindi maipinta ang mukha nito at ang Tito Gael niya naman ay may pag-aalala naman sa anak. Bakit ba nila nakalimutan nila ang kanila mga ina ay hindi basta-basta mga ina lang. Tumalon ata ang puso niya ng bumukas ang pintuan ng pad niya. Napalunok siya nang pumasok ang kanya ina. Agad na pinagpawisan siya ng makita ang matiim at maiitim na mga mata ng ina. "Mom.." "Pack your things...magmula ngayon sa bahay ka na titira..." matiim nito saad. Hindi siya nakaimik. Hinayaan siya nito magsolo at bumukod pero ngayon pinababalik na siya sa bahay nila. Hindi maganda parusa iyun. "Ako pa ba ang mag-iimpake ng mga gamit mo,Dwayne Siegfred!" Napaigtad siya sa paglakas ng boses ng ina. "Y-yes,Mom.."taranta niya saad. Hinila niya ang maleta na nasa ilalim lang ng kama niya. "Hindi na po ba ako babalik dito?" lakas-loob niya sabi sa ina. Agad na nag-iwas siya ng tingin sa kulay itim ng mga mata ng ina. "Pinabenta ko na ito sa ama mo,kaya hindi ka na babalik dito.." Napamaang siya sa sinabi ng ina. "Kulang pa yan sa kalokohan na pinaggagawa mo,Dwayne..may usapan tayo..sa oras na gumawa ka ng bagay na hindi ko magugustuhan...alam mo na ang mangyayari sayo.." Alam niya ang ibig sabihin niyun. Bantay sarado na ang bawat kilos niya sa labas ng bahay nila. Fuck! Ano ba ang nagawa kong ito?! Bagsak ang mga balikat na nilingon niya ang kanya pad na halos tatlong taon na rin niya tinirhan. "I'm sorry,Mom..." untag niya sa ina habang sakay sila ng elevator pababa ng basement ng gusali. "Sa bahay natin pag-uusapan yan.." malamig nito saad. Napabuga siya ng hangin. Goodbye to my freedom na ang peg niya ngayon. Kinakabahan na sinulyapan niya ang ina. Wala itong imik sa tabi niya. Naglakas siya ng loob na kumapit sa braso ng ina. Ganun siya kapag naglalambing siya sa kanya ina. Para siya bata na hahawak sa braso ng ina na tila ayaw humiwalay rito. Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hangin ng ina. Alam niya nagpipigil lang ito magalit sa kanya. Mahal siya ng kanya ina kaya alam niya pinipilit nito na magtimpi sa kanya. Nahihiya siya sa pinaggagawa niya. Agad na sinalubong siya ng kanya ama na naghihintay lang sa kotse. Tinapik sya nito sa balikat at nauna na sumakay sa kotse ang ina. "I'm sorry,Papa.." aniya. "Ayos lang,ang mahalaga di kayo nasaktan ..ikaw.." pagtango nito. Sabay sila sumakay ng kotse ng ama. Nasa backseat siya at tahimik lang sila mag-anak hanggang sa makauwi ng bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD