HFL2: FOUR

608 Words
Uhm,mga insan,bakit kayo ganyan makatingin sakin?"untag niya ng umupo siya sa upuan na okupado nila magpipinsan. Sa isang private spot na nasa ikalawang palapag ng restaurant. Nakalaan ang lugar na yun para sa kanila magkakamag-anak. "Bakit ngayon ka lang?" sita ni Erol. He sighed. "Wala akong kotse,nag-Taxi lang ako natagalan bago ako nakahingi ng pamasahe kay Mama.." Nagsitanguan ang mga ito hindi na niya kailangan elaborate pa sa mga ito kung anong nangyari.Sinabihan siya ni Jamiel na magkita-kita sila sa Restaurant ng Tita Gabbie nila at siya na lang ang huli nakarating. " Kamusta ka naman?"untag ng pinsan niya si Erol ang anak ng Tita Erin at Tito Darrel niya. Bumuga siya ng hangin. "Pinabalik ako ni Mama sa bahay at pinabinenta niya kay Papa ang pad ko.."napangiwi niya saad. " Hindi nyo na sana pinatulan ni Vlad ang mga iyun.."sita ni Jamiel. "Hindi nga,hinayaan ko naman sila na sapakin nila ko eh kaso si Vlad..alam niyo naman yun,fighter ang Tita Veron natin at namana niya yun.." aniya. "Si Vlad lang ba talaga ang nakipagbasagan ng ulo? Eh nakitandem ka daw eh," untag naman ni Gian. Ang anak ng Tita Gabbie at Tito Kian niya. He sighed. "Alright,hindi ko naman hahayaan na mag-isa lang si Vlad na pagtulungan ng mga tao yun," aniya at tila proud na proud sa sarili. "Alam mo ba kung ano nangyari kay Vlad?" anang ng hindi palaimik na pinsan na si Stanley,inayos nito ang suot na salamin sa mata. Ang anak ng kanya Tita Senneth at Tito Gil niya. Posibleng malabo ang mata nito eh mas malinaw ang mga mata nila kumpara sa mga tao. Bigla siya kinabahan nang marinig ang pangalan ng pinsan. "Hindi ko pa siya natatawagan..kinuha ni Mama ang phone ko.."aniya. Nagkatinginan ang kanya mga pinsan. "Ano ba nangyari sa kanya?" may pag-aalala niya saad sa mga ito. "Kumpara sayo,hindi ka naman nahirapan.. nawalan ka lang ng personal na pag-aaari pero si Vlad..ayun,pinagtrabaho sa farm nila at sa bukirin. Nakatira sa isang kubo,araw-gabi nasa farm para magtanim at magsasaka na rin..walang ibang tumutulong kundi ang sarili lang niya..at ang masama pa dun grounded siya ng tatlong buwan na wag lumuwas dito!" mahaba saad ng pinsan niya si Erol. Napamaang siya. Kahit mga lobo sila ay taglay nila ang maging malakas nakakaramdam pa rin sila ng pagod. "Fuck.." usal niya. "Magtino ka na..wag muna isasama kung saan-saan si Vlad. Palagi niya tayo binibigyan ng oras na makasama tayo tapos pinapahamak mo pa.."deretsahan sabi ni Stanley. Hindi siya nakareak sa sinabi nito. Kilala niya si Stanley. Deretsahan ito magsalita,masakit man o hindi. Bumuga sya ng malalim na hininga. "Pasensya na sa inyo...hindi ko gusto na dumanas ng ganun si Vlad.."may pagsisisi niya saad sa mga pinsan niya. "Mabuti pa,titingnan ko ang pagkain natin kung okay na.." anang ng pinsan si Gian na siya nagmamanage ng restaurant ng Tita Gabbie niya. "Mabuti hindi ka binugbog ni Tita Debbie?" nakangisi untag ni Erol. "Yeah,she love me that much kaya ang kalayaan ko lang ang kinuha niya at ng mga personal na bagay...saka bakit ba ang morbid ng gusto mo mangyari sakin?" sita niya kay Erol. Pareho sila nito maloko sa babae pero yun nga lang hindi ito mahilig sa gulo. Nagkibit ito ng balikat. "Concern lang ako sayo,Insan!" turan nito. Napailing na lang siya at ganun din ang dalawa pa niya pinsan na abala sa harapan ng mga dala nito laptop. Hindi niya napansin na bitbit ng mga ito ang trabaho sa meet up nila. He sighed,nagkitakita sila para kamustahin siya ng mga pinsan. Gusto niya humingi ng tawad kay Vlad pero paano? sigurado galit sa kanya ang Tita Debbie at Tito Gael niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD