"Vlad!" pagkuha niya sa atensyon ng pinsan si Vladimir. Agad siya nito hinarap mula sa pakikipag-usap nito sa kanya ama. "Congrats,Insan.." pagtapik nito sa balikat niya. "Salamat,insan..uhm,musta ka na? Hindi na tayo nagkausap mula noong gabing iyun," paalala niya sa gulo kinasangkutan nila magpinsan. "Okay lang ako kahit ilang buwan din ako nagbilad sa araw.."magaan nito saad. "Pasensya na,hindi kita agad nakamusta nahihiya talaga ako kina Tita Veron at Tito Gael," aniya. Bahagya ito ngumisi. "Sakin? Hindi ka ba nahiya?" Napangisi siya rito. "Pareho naman natin naenjoy yung nangyari ng gabing iyun,"saad niya. Nakangisi na napailing na lang ito. "Kung kailan naman pwede na ko ulit makipaghang out sayo saka ka naman bigla mag-aasawa..Paano yan di na pala tayo makakagimik niyan kap

