Naningkit ang mga mata niya nang makita ni Dwayne ang Joel na dati daw partner sa trabaho ng kanya fiancee. Nauna nakipagkita si Devie rito dahil may emergency meeting siya at ngayon lang siya nakasunod at mukhang napapasarap na ang pagkukwentuhan ng dalawa. Napalakas ang pagsara niya sa pintuan ng kotse niya nang makita pasimpleng hinawakan ng Joel na yun ang kamay ni Devie na agad din naman inalis sa pagkakahawak ng lalaki. Aba't mukhang kakaribalin pa siya ng epaL na Joel yun ah! "Uhm,o-okay ka lang?" Napalingon siya sa isang babae na maang na nakatitig sa kanya na nasa katabing parking slot lang. Kinalma niya ang nagwawalang puso. Humugot siya ng malalim na hininga. "Yeah,"aniya at pinukulan ito ng isang pilit na ngiti. Namumula ang mukha na tumango sa kanya ang babae na ngayo

