Dwayne.. Napatigil sa pagpihit ng doorknob ng opisina niya si Dwayne nang bigla may kung ano sila nahagap ng kanya inner wolf. Call her now! Alingawngaw ng inner wolf niya. Kakatawag lang niya sa asawa at sinabi nito na masama ang pakiramdam nito kaya alam niya nasa biyahe na ito pauwi sa bahay nila. Pero dahil likas sa kanila ang matalas na pakiramdam agad na tinawagan niya ang asawa at ilang ring na ang lumilipas hindi sumasagot ang asawa. Dinunggol siya ng malaking takot ng hindi sagutin iyun ng asawa. Agad na dinayal niya ang isang kontak ng bodyguard ng asawa niya. Pero bago pa man niya tawagan ito nagring na ang phone niya at ang numero ng sana tatawagan niya ang tumatawag. Please,no! piping dasal na sana ay wala nangyari masama sa kanya asawa. "Sir! Nawawala si Ma'am Devie,"

