Gustong-gusto na niya tanungin ang anak na si Dwayne sa bigla pagbabago nito. Malaki ang pinagbago ng anak. Naging tahimik na ito at madalang na rin ito makipaghang-out sa mga pinsan nito. Palagi ito nakasubsob sa trabaho at ngayon sumama pa ito sa business trip ng ama nito sa ibang bansa. Alam niya na may nililihim ang anak mula sa kanila. Hindi kaya tama ang hinala nila ni Doktora Amore? Na baka nga natagpuan na nito ang babae itinakda rito. Marahas siya napabuga ng hangin. Pinipigilan lang niya ang sarili na pakielaman muli ang anak. Nagawa na niya ito kontrolin nitong nakaraan at ayaw na niya maulit iyun dahil may sariling desisyon din naman ang anak niya at pinagbibigyan lamang siya sa kadahilanan na magulang siya na dapat nitong sundin. Napukaw ng pagring ng telepono ang kanya ma

