Nanantiya na pinagmamasdan ni Debbie ang dalaga na tahimik lang nakaupo sa katapat ng inuupuan niyang sofa. Dahil hindi niya mabasa ang nasa isip nito positibo na ito nga ang babaeng itinakda sa kanyang anak. Agad na bumalik ang inis niya para sa anak. "So,your name,Hija?" untag niya rito. "Uhm,Devie Antonio po,Mrs.Siegfred," sagot nito. Natigilan siya ng marinig ang pangalan nito. "Devie? Pareho pa pala tayo ng pangalan.." Lalo pa nadagdagan ang inis niya. Nagawang ilihim ng anak sa kanya ang mate nito na katukayo pa niya! Tumango ito,dinig na dinig niya ang napakabilis ng pagtibok ng puso nito. "How are you?" Napatingin ito sa kanya sa pagtatanong niya ng ganun. "Uhm,o-okay naman po,Ma'am.." mahina nitong sagot. "Hindi ka ba komportable sakin?" "U-uhm,hindi naman po..uhm,n-n

