Hindi pa man siya nakakalapit sa may basement nila agad na sumalubong sa pang-amoy niya ang isang pamilyar na amoy na iyun. Tila naaamoy niya ang kasintahan sa paligid. Imposibleng narito si Devie. Binuksan niya ang basement at lalo lang naging mas matapang ang amoy na nagmumula kay Devie. Agad na napatingin siya sa kinaroroonan ng metal na selda at parang may sumuntok sa dibdib niya ng makita kung sino ang naroroon sa loob ng kulungan niya. "Devie?!" malakas niya bulalas at isang iglap lang nakalapit na siya roon na agad naman ito napatingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito ng makita siya. Sa pagtangka niya na buksan ang metal na kulungan niya sumiklab iyun sa balat niya. "s**t!!" malakas niya mura sa pagkabigla. "D-Dwayne..." saad nito habang nakatayo sa gitna ng kulungan niya

