Hinatid niya ang dalaga sa tinitirhan nitong apartment. Isang mumurahin apartment. "Bakit dito ka nagtatyaga tumira? Hindi sa condo?" komento niya ng masuri ang maliit at mainit na apartment nito. "Wala akong milyon para makabili ng condo,Siegfred at isa pa hindi naman ako naiistay dito ng matagal dahil sa trabaho ko lagi ako nasa field.." kibit balikat nito sagot. Bumuga siya ng hangin. Ngayon niya na hindi nagugustuhan ang trabaho nito. "Ihahanap kita ng condo.." Napapantastikuhan na tinitigan siya ng dalaga. "Seryoso ka dun? Hindi na kailangan,sigurado naman sa susunod na linggo nasa field na ko ulit," anito. Naningkit ang mga mata niya rito. "Hindi bang pwede magbreak ka muna sa pag-uundercover mo? Kakagaling mo pa lang sa pagtatago,Dev.." matiim niya saad. "Dwayne...that's my

