Chapter 85 "Ma, please!" pagmamakaawa ko. Hindi sumagot si Mommy kaya naman napaupo ako sa lapag. Hindi ko na alam. Para bang dinudurog ako. Unti-unti... "Wife." Agad akong tumingala ng marinig ko iyon. Iyong malambing na boses na iyon. Then I saw him... At kahit na puno ng luha ang mga mata ko... Alam ko, sigurado ako na siya ito. He is wearing a white t-shirt with a black leather jacket on. My bad boy... I said to myself. I instantly got up and ran to him. Tumapat ako sa harapan nito at iniangat ko ang ulo ko upang makita ang mukha niya. "Ikaw ba 'yan?" I asked him in my cracked voice. I wanted to be sure... mamaya kasi ay nag ha hallucinate lang pala ako. Tumango siya at agad-agad akong yinakap. Mahigpit. Masikip. I cried more. "Akala ko..z akala ko wala ka na." He patte

