Chapter 25 Man to Man "Apxfel!" I screamed. Tumakbo ako sa mundo ko at yinakap ito ng mahigpit. "You're back." sabi ko tapos ay kumalas ako sa yakap at tinignan ko siya. "Ang daya, bakit hindi mo sinabi sa akin na ngayon pala ang uwi mo?" "I wanted to surprise you. Pero ako yata itong na surprise." aniya. Hindi ko masyadong narinig 'yung huling sinabi niya. Ang hina kasi, pero isinawalang bahala ko na iyon dahil miss na miss ko siyang talaga. "Sobra kitang na miss." I said and hugged him once again. "Ako din." sabi naman niya sabay yakap din sa akin pabalik. Inamoy at ginulo pa nito ang buhok ko. "Kanina ka pa ba nandito? Nahatid na namin sila Daddy sa airport. Dapat talaga ako lang, pero gusto nila Mommy isama si..." Oh shoot! Kasama ko nga pala si Calix at nandoon lang siya sa l

