Chapter 64 Can't hide "Okay ka lang?" tanong ni Calix sa akin. Nasa eroplano na kami ngayon. "Hindi ko alam." mahinang sagot ko. "Anong plano mo pagbalik natin sa Manila?" tanong pa niya. Umiling ako rito. "Hindi ko rin alam." Nung makita ko na hinalikan ni Apxfel si Bobbie ay para bang may namatay sa loob ko. Ewan ko pero hindi ko magawang tumawa, hindi ko rin magawang umiyak... Wala. Isinandal ni Calix ang ulo ko sa kanyang balikat. "Hindi hihinto ang mundo para sayo... para sa'kin o kahit sa kanino. Ang magagawa lang natin? Sabayan 'yung ikot nito." aniya. Napatingin ako kay Cal. "Life goes on. That's why you need to keep going." he said. Hinawakan niya rin ang isang kamay ko. "No matter how bad things are right now, no matter how stuck you feel... all I know is that you wo

