Chapter 17 Bad boy's love School hours passed by a blur. Uwian na pero hindi pa rin ako kinikibo ni Apxfel. Kanina ko pa siya tinatawag, pero wala... parang hangin lang ako. Ano ba ang problema? Kung kailan naman ako may lakas ng loob na sabihin sa kanya na siya iyong pinipili ko, saka naman siya nagkakaganyan. "Apxfel." tawag ko ulit sa kanya. Naglalakad na kami sa corridor. Ang bilis niya naman kasi mag lakad kaya nauuna siya! "Axpfel." tawag ko pa ulit ngunit ayaw pa din niyang lumingon. "Christan Apxfel Gonzales!" I shouted. Huminto siya. "What?!" he asked coldly. Bakit ba siya ganyan? Ano ba ang nagawa ko? "Bakit ba kanina ka pa hindi namamansin? Anong problema mo?" tanong ko. "Wala." tamad niyang sagot tapos ay naglakad nanaman siya. "Huy! Kausapin mo naman ako, may sasa

