Chapter 68 Could it be Biglang napayuko si Apxfel sa aking sinabi. Kahit ako man ay nagulat din sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ko ba nasabi iyon... Umangat ang ulo niya at nagtagpo ang aming tingin. Ngumiti siya ng tipid tapos ay umalis na. I felt a little pang on my chest. Alam kong mali ang nasabi ko, pero bakit pakiramdam ko ay tama lang iyon. A tear escaped on my eye. I wipe it as quickly as possible. Tama na ito. Tao lang din ako, napapagod din. Napapagod din sa sakit. Kinuha ko iyong phone ko at agad na tinext si Calix. Asan ka? Tanong ko rito. Kakatapos lang ng activity namin. Kita tayo sa cafeteria? :)) Reply naman niya. Nakakatuwa dahil ang bilis niyang mag reply. Nakadikit ba sa kanya ang phone niya? Nakita ko agad siya roon sa may bungad ng Cafeteria. "Cal!

